CALABARZON

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Rehiyong IV-A
CALABARZON
—  Rehiyon  —
Bansa Pilipinas
Sentro ng rehiyon Lungsod ng Calamba, Laguna
Dibisyon Lalawigan—5,
Lungsod (mataas na urbanisado)—1,
Lungsod (bahagi)—13,
Bayan—128,
Barangay—4,011,
Distrito—19
Lawak
 • Kabuuan 16,228.6 km2 (6,265.9 sq mi)
Populasyon (2010)
 • Kabuuan 12,609,803
Wika Tagalog

Ang CALABARZON ay isang rehiyon sa Pilipinas na binubuo ng mga sumusunod na mga lalawigan: Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon. Ang mga lalawigan na ito ay mga lalawigan ng Rehiyon IV-A na nasa pangunahing isla ng Luzon. Ito ang acronym ng mga nabanggit na mga lalawigan.

Ang rehiyon na ito ay nasa Timog-kanlurang Luzon,timog at kanlurang bahagi ng Metro Manila, at pumapangalawa sa pinaka-mataong rehiyon.

Ang CALABARZON at MIMAROPA kasama ang lalawigan na Aurora ay dating magkasama bilang Timog Katagalugan hanggang ito ay paghiwalayin sa bisa ng Executive Order No.103, noong ika-17 ng Mayo 2002.

Sa bisa ng Executive Order No. 246, na nilagdaan noong ika-28 ng Oktubre 2003, ang Lungsod ng Calamba ay itinalagang sentrong pang-rehiyon ng CALABARZON.

Mga lalawigan[baguhin | baguhin ang batayan]

¹ Ang Lungsod ng Lucena ay isang mataas na urbanisadong lungsod; ang mga numero ay nakahiwalay sa Lalawigan ng Quezon.

Mga bahaging lungsod[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga Gobernador[baguhin | baguhin ang batayan]

Martsa ng CALABARZON[baguhin | baguhin ang batayan]

Dito sa Timog Katagalugan
Sumibol ang bagong pangalan
Ang kaunlaran kay bilis at masagana
Lahat kami ay may pagkakaisa
Sa mithiin ay sama-sama
Mabuhay ang CALABARZON
CALABARZON sa habang panahon
Paningit-awit:
Lalawigang Rizal, Cavite
Laguna, Batangas, Quezon
at mga lungsod pa
Antipolo, San Pablo
Cavite, Lucena
Batangas, Calamba
Sta. Rosa, Tanauan at Lipa
Hey, Hey
Mga kawani ay tanging-tangi
Maglingkod ay laging gawi
Kailan pa man sa Diyos ang aming lahi
Kabataan ay paunlarin
Ito ang unang layunin
Mabuhay ang CALABARZON
CALABARZON sa habang panahon
Dito sa timog katagalugan
Sumibol ang bagong pangalan
Ang kaunlaran kay bilis at masagana
Lahat kami ay nagkakaisa
Sa mithiin ay sama-sama
Mabuhay ang CALABARZON
CALABARZON sa habang panahon
Mabuhay!

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga tala[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "2010 Census of Population". Philippine National Statistics Office. http://www.census.gov.ph/data/pressrelease/2012/pr1227tx.html. Hinango noong 2012-04-21. 
Lalawigan/Lungsod Kabisera Populasyon
(2010)[1]
Sukat
(km²)
Densidad
(bawat km²)
Batangas Lungsod ng Batangas 2,377,395 3,165.8 751
Cavite Lungsod ng Trece Martires 3,090,691 1,287.6 2,400.4
Laguna Bayan ng Santa Cruz 2,669,847 1,759.7 1,517.2
Quezon Lungsod ng Lucena 1,740,638 8,706.6 199.9
Rizal Lungsod ng Antipolo 2,484,840 1,308.9 1,898.4