Guinayangan, Quezon

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Bayan ng Guinayangan
—  Bayan  —

Sagisag
Mapa ng Quezon na nagpapakita sa lokasyon ng Guinayangan.
Guinayangan, Quezon is located in Philippines
Bayan ng Guinayangan
Lokasyon sa Pilipinas
Coordinates: 13°54′N 122°27′E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Bansa Pilipinas
Rehiyon CALABARZON (Rehiyong IV-A)
Lalawigan Quezon
Distrito Pang-apat na Distrito ng Quezon
Mga barangay 54
Pagkatatag 1769
Pamahalaan
 • Punong-bayan Edgardo Sales
Lawak
 • Kabuuan 214.12 km2 (82.67 sq mi)
Populasyon (2010)
 • Kabuuan 41,669
Zip Code 4319
Kodigong pantawag 42
Kaurian ng kita Pangatlong Klase
PSGC 45618000
Website elgu2.ncc.gov.ph
Senso ng populasyon ng
Guinayangan, Quezon
Senso Populasyon +/-
1990 32,829
1995 36,775 2.3%
2000 37,164 0.23%
2007 39,074 0.69%
2010 41,669 0.89%

Ang Bayan ng Guinayangan ay isa sa mga bayan ng lalawigan ng Quezon na dating Tayabas. Ayon sa senso noong 2000, ito ay may populasyon na 37,1648 katao sa 7,390 na kabahayan. Ang bayang ito ay matatagpuan sa dulong timog ng lalawigan . Kabilang sa ika-apat na uri, ayon sa bagong klasipikasyon ng mga bayan, ang Guinayangan ay may lawak na 22,880 ektarya, humigit kumulang at pinaninirahan ng mahigit 37,000 mamamayan, sang ayon sa pinakabagong senso. Bisaya, Tagalog, Bikolano, Ilokano, Pampanguenio at mga katutubong katabangan ang pinggagalingan ng mga tao dito. Ang Guinayangan ay may layong 255 kilometro mula lunsod ng Maynila, kung lalakbayin ng SLEX. Mararating din ang bayang ito sa pamamagitan ng sasakyang dagat dahil sa ito ay nasa baybay ng look Ragay, sa katunayan, noong walang pang daang bakal mula sa Aloneros, isang baranggay ng sakop ng Guinayangan na nadadaanan ng daang bakal, ang mga taga rito ay lumuluwas sa pamamagitan ng bapor, sapagkat noon ay may daungan dito. Malayang makararating dito ang mga Bikolano, Bisaya at iba pang mga kababayan sa pamamagitan ng paglalakbay dagat.

Mga Barangay[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang bayan ng Guinayangan ay nahahati sa 54 na mga barangay.

  • A. Mabini
  • Aloneros
  • Arbismen
  • Bagong Silang
  • Balinarin
  • Bukal Maligaya
  • Cabibihan
  • Cabong Norte
  • Cabong Sur
  • Calimpak
  • Capuluan Central
  • Capuluan Tulon
  • Dancalan Caimawan
  • Dancalan Central
  • Danlagan Batis
  • Danlagan Cabayao
  • Danlagan Central
  • Danlagan Reserva
  • Del Rosario
  • Dungawan Central
  • Dungawan Paalyunan
  • Dungawan Pantay
  • Ermita
  • Gapas
  • Himbubulo Este
  • Himbubulo Weste
  • Hinabaan
  • Ligpit Bantayan
  • Lubigan
  • Magallanes
  • Magsaysay
  • Manggagawa
  • Manggalang
  • Manlayo
  • Poblacion
  • Salakan
  • San Antonio
  • San Isidro
  • San Jose
  • San Lorenzo
  • San Luis I
  • San Luis II
  • San Miguel
  • San Pedro I
  • San Pedro II
  • San Roque
  • Santa Cruz
  • Santa Maria
  • Santa Teresita
  • Sintones
  • Sisi
  • Tikay
  • Triumpo
  • Villa Hiwasayan

Ang Kasaysayan ng Bayan Ng Guinayangan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ayon sa kasulatang hango sa Expediente a Conulta En Que de Los Moros Han Destinado El Pueblo Guinayangan1769, National Archives, Bureau of Records, Manila at gayon din sa mga salaysay ng mga katutubong mamamayan. Walang nakuhang tiyak na petsa sa pagkakatatag ng Pueblo de Guinayangan. Gayon man nasasabi sa nabanggit na kasulatan at kalakip nitong mapa na ang Guinayangan ay nasa bungad ng ilog Cabibihan. Ang bayang ito ay nilusob ng maga piratang moro na lulan ng tatlumpo at dalawang bangka noong 1769. Lumaban ang mga mamamayan at tumagal ang labanan ng talong araw. Mapipigilan sana ang mga mamamayan kundi dumating ang saklolo buhat sa Gumaca at Atimonan. Ang mga mamayan at inatasan ng Alkalde Mayor na lumikas muna sa Gumaca, subalit ang utos naman ng Senior Obispo Antonio de Luna sa kanola ay humanap na lamang ng bagong pook na pagtatayuan ng kanilang pamayanan. Sila ay tumongo sa dakong ilaya ng kabibihan at itinayo ang Nuevo Guinayangan sa Sitio Apad ng ng visita ng Vinas. Samakatuwid, ang bayan ng Guinayangan ay natatag ng mga taong 1600 at 1700 a.d..

Mga Kawing Panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]