Kanlurang Kabisayaan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Rehiyon VI
Mapa ng Pilipinas na nagpapakita ng kinaroroonan ng  Rehiyon VI
Sentro ng rehiyon Lungsod ng Iloilo
Populasyon

 – Densidad

6843643
{{{density_km2}}} bawat km²
Lawak 20614 km²
Dibisyon

 – Lalawigan
 – Lungsod
 – Bayan
 – Barangay
 – Distritong pambatas


6
16
117
4,051
16
Wika Hiligaynon, Kinaray-a, Aklanon


Ang Kanlurang Kabisayaan (Ingles:Western Visayas), ay isa sa mga rehiyon ng Pilipinas, at tinalaga bilang Rehiyon VI. Binubuo ito ng anim na lalawigan: Aklan, Antique, Negros Occidental, Capiz, Guimaras, at Iloilo at ng 17 mga lungsod na naging dahilan upang ito ang maging rehiyon na may pinakamaraming bilang ng lungsod. Ang Lungsod ng Iloilo ang sentrong pangrehiyon.[1]

Mga Bahaging Lungsod[baguhin | baguhin ang batayan]

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang rehiyon ng Kanlurang Kabisayaan ay nabuo mula sa lalawigan ng Aklan, Antique, Iloilo (kasama ang noon ay bahaging lalawigan na Guimaras), at Negros Occidental sa pamamagitan ng Kautusang Pampangulo Bilang 1 bilang bahagi ng Integrated Reorganisation Plan ni Pangulong Ferdinand Marcos

Ang lalawigan ng Palawan ay inilipat sa Rehiyon VI (Kanlurang Kabisayaan) noong Mayo 23, 2005 ayon sa EO 429.[2] Inihayag noong Hunyo 2005 ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ang pagsasakumpleto ng paglipat.[3] Subalit binatikos ng mga Palaweños ang paglipat, sinasabing may kakulangan sa konsultasyon, at karamihan ng mga residente ng Lungsod ng Puerto Princesa at ang lahat ng mga bayan nito maliban sa isa, ay nais na manatili sa Rehiyon IV-B. Dahil doon, nagkaroon ng Kautusang Administratibo Bilang 129 na inilabas noong Agosto 19, 2005 upang tugunan ang kaguluhan. Ang kautusan ito ang nagpapaliban sa EO 429.[4] Kaya, ang Palawan ay kasalukuyang pa ring bahagi ng Rehiyon IV-B.

Mga talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. http://www.mgb6.org/about-mgb-region-6/
  2. President of the Philippines. "Executive order No. 429". Office of the Press Secretary. http://www.ops.gov.ph/records/eo_no429.htm. 
  3. Government of the Philippines - News (3 June 2005). Palawan, Puerto Princesa Transfer to Region VI. Pagpapalabas ng balita.
  4. President of the Philippines (August 19, 2005). "Administrative Order No. 129". Office of the Press Secretary. http://www.ops.gov.ph/records/ao_no129.htm. 


Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.