Distritong pambatas ng Pilipinas

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang mga Distritong Pambatas ng Pilipinas ang pagkakahati-hati at kinatawan ng mga lalawigan at mga lungsod sa mababang kapulungan ng Pilipinas.

Kasaysayan[baguhin]

Ang representasyon sa mababang kapulungan ay mauugat pa sa panaho ng mga Espanyol kung saan nabigyan ang Pilipinas ng kinatawan sa Espanya.

Mga Distritong pang-Senado ng Pilipinas[baguhin]

Mula 1916 hanggang 1935, ang Pilipinas ay nahahati sa 12 distritong pang-senado. Ang bawat distrito, maliban sa ika-labindalawang distrito ay naghahalal ng dalawang senador sa Senado ng Pilipinas. Ang mga senador sa ika-labindalawang distrito ay iniluluklok ng Gobernador-Heneral mula sa Estados Unidos. Simula 1941, ang lahat ng mga senador ay inihahalal na ng mga tao sa pamamagitan ng malawakang halalan.

Mga Distritong pang-Senado ng Pilipinas Lalawigan at/o Lungsod
Unang Distrito Abra (muling natatag noong 1917), Batanes, Cagayan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Isabela
Ikalawang Distrito La Union, Pangasinan, Zambales
Ikatlong Distrito Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac
Ikaapat na Distrito Lungsod ng Maynila, Bataan, Laguna, Rizal
Ikalimang Distrito Batangas, Cavite, Marinduque (natatag noong 1920), Mindoro, Tayabas
Ikaanim na Distrito Albay, Camarines (nahati sa Norte at Sur 1917), Sorsogon
Ikapitong Distrito Capiz, Iloilo, Romblon (natatag noong 1917)
Ikawalong Distrito Antique, Negros Occidental, Negros Oriental, Palawan
Ikasiyam na Distrito Leyte, Samar
Ikasampung Distrito Cebu
Ika-labingisang Distrito Bohol, Misamis (nahati sa Occidental at Oriental 1929), Surigao
Ika-labindalawang Distrito Lungsod ng Baguio, Kagawaran ng Mindanao at Sulu (nabuwag noong 1920, binubuo ng mga lalawigan ng Agusan, Bukidnon, Cotabato, Davao, Lanao, Sulu at Zamboanga), Lalawigang Bulubundukin (binubup ng mga lalawigan ng Apayao, Benguet, Bontoc, Ifugao, at Kalinga), Nueva Vizcaya

Mga Distritong Pambatas[baguhin]