Tabaco, Albay

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Lungsod ng Tabako
—  Lungsod  —
Mapa ng Albay na nagpapakita sa lokasyon ng Lungsod ng Tabako.
Bansa Pilipinas
Rehiyon Bicol Region (Region V)
Lalawigan Albay
Distrito Unang Distrito ng Albay
Mga barangay 47
Ganap na Lungsod Mars0 24, 2001
Lawak
 • Kabuuan 117.14 km2 (45.23 sq mi)
Populasyon (2010)
 • Kabuuan 125,083
Sona ng oras PST (UTC+8)
Kodigo Postal 4511
Kodigong pantawag 52
Kaurian ng kita Pang-apat na klase
PSGC 050517000

Ang Lungsod ng Tabako (R.A. 09020) ay isang ika-apat na klaseng lungsod sa lalawigan ng Albay, Pilipinas. Ang lungsod ay naghahangganan sa mga bayan ng Malinao sa hilaga, Polangui at Oas sa kanluran, Lungsod ng Ligao sa timog kanluran, ang Bulkang Mayon sa timog, Malilipot sa timog silangan, at ang Golpo ng Lagonoy sa silangan.

Ayon sa senso noong 2000, ito ay may populasyon na 107,166 katao sa 19,599 na kabahayan.

Ekonomiya[baguhin]

Dating naging sentro ng ekonomiya ng lalawigan ang lungsod. Ang ekonomiya ng lungsod ay nanatili pa ring nakasalalay sa agrikultura. Ang mga pangunahing ani ay bigas, mais,mga bungang kahoy, gulay, niyog at abacá. Ang iba pang pangunahing industriya ay ang pandayan ng tabak, kagamitang bakal, kutsilyo at mga katulad nito, ang pag-aalaga ng baboy at ang pangingisda. Ang pier ng Tabaco ay itinuturing na isa sa pinakamalaking pier sa buong bansa at nakakatulong din ito sa paglago ng ekonomiya ng lungsod dahil sa mga barkong galing ibang bansa ang pumapalaot din sa pier ng lungsod na ito.

Mga Barangay[baguhin]

Ang Lungsod ng Tabako ay nahahati sa 48 mga barangay.

  • Agnas (San Miguel Island)
  • Bacolod
  • Bangkilingan
  • Bantayan
  • Baranghawon
  • Basagan
  • Basud (Pob.)
  • Bogñabong
  • Bombon (Pob.)
  • Bonot
  • San Isidro
  • Buang
  • Buhian
  • Cabagñan
  • Cobo
  • Comon
  • Cormidal
  • Divino Rostro (Pob.)
  • Fatima
  • Guinobat
  • Hacienda (San Miguel Island)
  • Magapo
  • Malictay (San Miguel Island)
  • Mariroc
  • Matagbac
  • Oras
  • Oson
  • Panal
  • Pawa
  • Pinagbobong
  • Quinale Cabasan (Pob.)
  • Quinastillojan
  • Rawis (San Miguel Island)
  • Sagurong (San Miguel Island)
  • Salvacion
  • San Antonio
  • San Carlos
  • San Juan (Pob.)
  • San Lorenzo
  • San Ramon
  • San Roque
  • San Vicente
  • Santo Cristo (Pob.)
  • Sua-Igot
  • Tabiguian
  • Tagas
  • Tayhi (Pob.)
  • Visita (San Miguel Island)

Turismo[baguhin]

Kamakailan lamang ay sinimulan ng lungsod ang taunang 'Tabak Festival' bilang pag-alala sa pagkaka-lungsod ng Tabako noong Marso 24, 2001.

Mga Kawing Panlabas[baguhin]