Bulkang Mayon

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Bulkang Mayon
Taas 2,463 metro (8,077 talampakan)
Lokasyon
Bulkang Mayon is located in Philippines
Bulkang Mayon
Mapa ng Pilipinas
Lokasyon Pilipinas
Koordinato 13°15′24″N 123°41′6″E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operatorMga koordinato: 13°15′24″N 123°41′6″E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Geology
Uri Stratovolcano
Huling Pagsabog 2013


Ang Bulkan Mayon ay isang aktibong bulkan sa lalawigan ng Albay, sa pulo ng Luzon sa Pilipinas. Bantog ang bulkan dahil sa halos "perpektong hugis apa" nito. Ang Mayon ang naging hilagang hangganan ng Lungsod ng Legazpi, ang pinakamataong lungsod sa Kabikulan. Unang hinihayag bilang isang pambansang liwasan at isang nakaprotektang lupain ng bansa noong 20 Hulyo 1938. Inuri itong muli at pinangalanang Mayon Volcano Natural Park noong 2000.[1]

Ayon sa mga volcanolohigo, isa itong stratovolcona o kompositong bulkan. Ang tila simetriko niton kona ay nabuo sa pamamagitan ng pagkapatong-patong ng mga daloy ng lahar at lava. Dahil umaabot ng halos 50 beses na ang mga pagsabog nito sa nakaraang 400 taon, itinuturing itong pinakaaktibong bulkan sa buong bansa. Matatagpuan ito sa isang convergent plate boundary1 sa gitna ng Platong Eurasian at ng Plato ng Plipinas.

1lugar kung saan nagkikita ang isang continental plate at isang oceanic plate. Dito tinunulak pababa ng mas magaan na continental plate ang mas mabigat na oceanic plate; Sa pagkatunaw ng bato nabubuo ang magma.

Ang bulkang Mayon ay may 47 pagsabog sa kasaysayan; ang una ay sa taong 1616, ang pinakahuli ay may katamtamang pagbuga ng lava noong Hunyo 2001. Ang pinakamalakas na pagsabog ng bulkang Mayon ay noong 1 Pebrero 1814. Natabunan ng lava ang bayan ng Cagsawa at may 1,200 taong namatay. Ang bell tower ng simabahan ng bayan ang nakikita na lamang sa ibabao ng lupa. Pyroclastic flows, ang mainit na abo ang nakapatay sa 77 katao, karamihan magsasaka, sa huling malakas na pagsabog ng Mayon noong 1993. Sa taong 1984, mahigit 73,000 katao ang pinaalis sa 'danger zones' ayon sa mga scientists ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, wala naman naulat na may namatay.

Lokasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang lokasyon ng Mayon sa lalawigan ng Albay

Pangunahing palatandaan sa lalawigan ng Albay ang Bulkang Mayon na may taas na 2,462 metres (8,077 ft) mula sa baybayin ng Golpo ng Albay.[2][3] Ang bulkan ay heograpikal na hinahati ng walong lungsod at mga bayan na kinabibilangan ng Lungsod ng Legazpi, Daraga, Camalig, Guinobatan, Lungsod ng Ligao, Lungsod ng Tabaco, Malilipot, at Santo Domingo.

Pagbuga ng abo Mayo 2013[baguhin | baguhin ang batayan]

Nagbuga ang Bulkang Mayon ng abo dakong 8:00 ng umaga noong 7 Mayo 2013 na nagdulot ng pagkamatay at pagkasugat ng ilang mga dayuhang turista.[4][5]

Pagmamanman sa Mayon[baguhin | baguhin ang batayan]

Pinakaaktibong bulkan sa Pilipinas ang Bulkang Mayon, at ang mga aktibidad nito ay palagiang minamanmanan ng PHIVOLCS mula sa kanilang panlalawigang tanggapan sa Lignon Hill, tinatayang nasa 10 kilometres (6.2 mi) timog silangan mula sa bulkan.[6]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Protected Areas in Region 5". Protected Areas and Wildlife Bureau. Retrieved on 2011-10-15.
  2. "Mayon Volcano, Philippines". Philippines Department of Tourism. Volcano.und.edu. Archived from the original noong 2007-10-12. http://web.archive.org/web/20071012025231/http://volcano.und.edu/vwdocs/current_volcs/philippines/mayonvol.html. Hinango noong 2007-11-20. 
  3. David, Lee (2008). "Natural Disasters", pp. 416-417. Infobase Publishing.
  4. "Mayon Volcano spews ash, smoke; Phivolcs says no cause for panic". GMA News Online. 2013-05-07. http://www.gmanetwork.com/news/story/307144/news/regions/mayon-volcano-spews-ash-smoke-phivolcs-says-no-cause-for-panic. 
  5. "At least 5 climbers dead 7 hurs as Mayon Volcano spews ash". GMA News Online. 2013-05-07. http://www.gmanetwork.com/news/story/307161/news/regions/at-least-5-climbers-dead-7-hurt-as-mayon-volcano-spews-ash. 
  6. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang PHIVOLCS); $2


Mga kaugnayang palabas[baguhin | baguhin ang batayan]