Raha Sulayman

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Rajah Sulayman)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Si Raha Soliman (1558 - 1575), na nakikilala rin bilang Raha Sulayman, ay isang Muslim na datu, na namuno kasama ni Raha Matanda at Lakan Dula, hari ng Tondo, isang malaking populasyon ng mga Tagalog sa Timog ng Ilog Pasig sa Lungsod ng Maynila noong ika-16 na dantaon.

Magiliw niyang pinapasok ang mga Kastilang kongkistador na sina Martin de Goiti at Juan de Salcedo. Naging palakaibigan siya at binigyan niya ang mga kongkistador ng mga pampalasa at mga babae bilang regalo. Ngunit nang dumaan ang mga linggo, sinimulang abusuhin siya ng mga Espanyol at hindi naglaon, nalaman niya ang pakay ng mga Espanyol na sakupin ang kanyang lungsod at nakawin ang mga likas na yaman ng kanyang lugar. Namuno siya ng isang kudeta upang mapaalis ang mga Kastila sa lungsod.Siya ay namatay ng may pagmamahal sa inang bayan.Siya rin ang ama ni Magat Salamat.


TaoKasaysayanPilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Kasaysayan at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.