Lahing Tagalog

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Tagalog (pangkat etniko))
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Tagalog
ᜆᜄᜎᜓᜄ᜔
Tagalog dress, early 1800s.jpg
Mga Tagalog noong mga maagang 1800 na nakasuot ng tradisyonal na mga kasuotan ng kapanahunan.
Kabuoang populasyon

Tinatayang bilang: 30 milyon

Mga rehiyong may mahahalagang mga bilang
Pilipinas, iba pang bansa
Mga wika
Tagalog, Filipino, Ingles, Kastila
Pananampalataya
Kristiyanismo (Romano Katoliko ang karamihan, na sinusundan ng mga Protestante), Budismo, Islam, Katutubong paniniwala
Kaugnay na mga pangkat-etniko
Iba pang mga mamamayang Pilipino

Ang mga Tagalog[1] (Baybayin: ᜆᜄᜎᜓᜄ᜔) ang isa sa pinakamalaking pangkat etniko sa Pilipinas kasunod ng mga Bisaya, at ang may pinakamalawak na distribusyon sa bansa. Sila ang pangunahing pangkat etniko sa mga lalawigan ng Batangas, Cavite, Bulacan, Laguna, Bataan, Quezon, Camarines Norte, Marinduque, at Rizal. Nagtataglay rin ang mga lalawigan ng Nueva Ecija, Tarlac, Aurora, Zambales, at Mindoro Oriental, at ang Kalakhang Maynila, ng mga malalaking populasyong Tagalog. Mayroon ding mahalagang bilang nga mga Tagalog sa mga lalawigan ng Palawan.

Mula ang pangalang Tagalog sa katawagang "taga-ilog". Ngunit mayroon din panukala o teoriyang nagmula ito sa pangalan ng ilang mga tribo, mga Tagal, sa Borneo at Sumatra, o Minangkabaw.[1]

Ang mga Tagalog ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagsasaka, pangingisda at pagtitinda. Masipag, matiyaga at masikap ang mga Tagalog. Sila ay likas na masayahin kaya madalas silang magdaos ng mga pagtitipon tulad ng kasalan, kaarawan at kapistahan.

Demograpiya[baguhin]

Bumibilang ang mga Tagalog ng may 15,876,000. Pinagtatalunan pa rin ang pinagmulan ng mga Tagalog, kung nanggaling ba sila sa kilala ngayong Taal, Batangas, o mula sa katimugan kung saan nanirahan ang kalapit-wika nilang mga Bisaya. Gayunman, katulad ng iba mga katutubong kapangkatan, pinaniniwalaang mga inanak sila ng mga taong nagwiwika ng wikang Awstronesyo mula sa sinaunang Taiwan. Nagsasalita ang mga mamamayang Tagalog ng wikang Tagalog, na may maraming mga sari-saring kaibahang pangdiyalekto, bagaman itinuturing na mauunawaan ang lahat ng mga diyalektong Tagalog. Karamihan sa mga mamamayang Tagalog na may dugong Merdika at may-halong Merdika at Kastila sa Ternate, Cavite ang nagsasalita ng diyalektong Ternateño ng Chabacano. Pangunahing pananampalataya ng mga Tagalog ang Kristiyanismo, na mga Romano Katoliko ang karamihan, maging mga Protestante. Mayroon ding ilang mga Muslim. Maraming mga mestisong Tagalog. Marami sa mga Tagalog ang may halong Intsik at Pilipino, na may maliit na bilang na may mga ninunong Kastila at Amerikano. Tinatawag na Katagalugan (Baybayin: ᜃᜆᜄᜎᜓᜄᜈ᜔) ang rehiyon ng mga Tagalog.[1]

Kalinangan[baguhin]

Watawat ng lahing Tagalog.

Kaibang-kaiba ang kalinangang Tagalog noong mga kapanahunan bago dumating ang mga Kastila mula sa pangkasalukuyang kultura. Mula sa mga tribong naglalagay ng mga tatuwahe sa katawan, tuluyang umunlad ang kalinangang Tagalog na tumatanggap ng mga dayuhang impluho, partikular na ang Kastila, Intsik, at Amerikanong impluwensiya. Sa ngayon, ang kanilang kalinangan ang nananatiling gulugod o haligi at kinatawan ng lahat ng mga kulturang Pilipino. Sa nakaugalian, mga nagsisipagsaka ang karamihan sa mga Tagalog, bagaman may ilang mangingisda rin. May labis na kahigpitan sa pagtataguyod ng paggalang at pakikitungo sa kapwa ang mga Tagalog, na makikita sa kanilang mga gawi at kayarian ng kanilang wika. Larawan din o mga halimbawa ng katapangan ang mga Tagalog, katulad sa mga pangyayari sa kasaysayan, katulad ng sa Himagsikang Pilipino at Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Nakatuon din ang kalinangan ng mga Tagalog sa paghahanda at pagluluto ng mga pagkain. Maagang tinuturuan ang mga kababaihan (kung minsan, pati mga kalalakihan) sa larangan ng pagluluto. Makikita ito sa mararangyang pagdiriwang tuwing mga kapistahan at mga pagtitipon.

Kasaysayan[baguhin]

Ang Taal, Batangas ang pangkasalukuyang sentro ng kalinangang Tagalog at ng mga mamamayang Tagalog sapagkat pinaniniwalaang ito ang pinagsilangan ng Katagalugan, o ang "Pusong-Lupain ng Kalinangang Tagalog." Nakabatay sa kaugaliang sinasambit ang karamihan sa mga sinasabing pinagmulan ng mga mamamayang Tagalog, sapagkat bagaman nakapag-aral ang mga sinaunang mga Tagalog at nagkaroon ng mga kagawian sa pagsulat bago pa sumapit ang mga Kastila, isinulat nila ang kanilang mga kaisipan sa ibabaw ng mga naglalahong kagamitan, katulad ng mga dahon at mga sanga.

May bilang ng mga pambansang bayani ng Pilipinas ang mula sa mga Tagalog. Naglunsad ng maraming mga pag-aaklas laban sa mga Kastila ang mga Tagalog, at isa sila sa mga pinakamaagang naghimagsik. Isa sa mga panghihimagsik na ito ang isinagawa ng Tagalog na si Apolinario de la Cruz (kilala rin bilang Hermano Pule), na may layuning makapananampalataya. Isang mestisong Tagalog-Intsik ang pambansang bayaning si Jose Rizal na mula sa Calamba, Laguna.

Wikipedia-logo-en.png
Ang artikulong ito o mga bahagi nito ay hinango o isinalin mula sa Wikipediang Ingles. Ang katumbas na artikulo nito sa Ingles ay may pamagat na:

Noong1898, maraming mga pinuno ng Himagsikang Pilipino ang mga Tagalog, katulad nina Apolinario Mabini, Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, ang unang pangulo ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo, at iba pa.

Mula kay Aguinaldo, may apat pang mga Tagalog na nanungkulan bilang pangulo ng Pilipinas: si Manuel L. Quezon (isang mestisong Pilipino-Kastila) na may malaking antas ng kanunu-nunoang Tagalog), si Jose P. Laurel, si Corazon Aquino, at si Joseph Estrada. Karaniwang kakikitaan ng masiglang pakikiisa, pakikibaka at mga tagumpay ng mga mamamayang Tagalog ang maagang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas, at kasalukuyan pa ring nakikilahok ang mga ito sa pangkasalukuyang politika at mga gawaing pangkabuhayan sa Pilipinas. Matatag ang pagiging lantad ng mga Tagalog sa pambansang katangian at gawi, sapagkat palagiang pangunahing laman ang mga ito ng mga pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas, na nilalarawang may pagsusumigasig, pagtitiyaga, pagpupunyagi, pagsusumikap, at pagtataguyod ng kasiglahan at katanyagang Pilipino.

Mga sanggunian[baguhin]


Bibliyograpiya[baguhin]