Iglesia Filipina Independiente

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang Pambansang Katedral ng Iglesia Filipina Independiente, Cathedral of the Holy Child, 1500 Abenida Taft, Maynila.
Iglesia Filipina Independiente
Talaksan:Logo ifi white.jpg
Scripture, Charity, Knowledge, Liberty
Primate The Most Reverend Ephraim Fajutagana y Servanez, Obispo Maximo XII
Headquarters National Cathedral of the Holy Child, 1500 Abenida Taft, Ermita, Maynila, Pilipinas
Territory Philippines, North America, Europe, Middle East, and Northeast Asia
Members 7-10 million (2009 estimate)
Website i.ph
Anglicanism Portal

Ang Iglesia Filipina Independiente (IFI), ay isang denominasyon ng pananampalataya na may mga tradisyong kaparehas sa Iglesia Catolica. Ang relihiyong ito ay sinimulan ni Isabelo de los Reyes noong 1902 at si Gregorio Aglipay ang naging pangulo nito. Kaya sa kasalukuyan ito ay kilalang Simbahang Aglipayano dahil kay Gregorio Aglipay (sa kaniya kinuha ang pangalan).

Ang simbahang ito ay tumiwalag sa Simbahang Romano Katoliko nang humupa ang himagsikang Pilipino noong 1896. Ito ay itinatag ni de los Reyes, ang unang pinuno ng kauna-unahang unyong mangagawa sa Pilipinas (Pangkalahatang Sanggunian ng Union Obrera Democratica, o UOD). Itinatag ang simbahan noong ika-3 ng Agosto 1902 sa isa sa mga tampukan o pulong ng unyon.

Dahil sa pagtatag ng isang bagong simbahan hango sa isang malayang katolisismo sa Pilipinas na malaya sa pang-aapi ng mga prayle, dayuhan at Roma, nanganga-ilangan ito ng bagong pinuno at ang napiling manguna sa simbahan ito ay si Msgr. Gregorio L. Aglipay.



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.