Lupang Hinirang

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
"Lupang Hinirang"
Ingles: Chosen Land
Pilas ng musika para sa "Lupang Hinirang"
Pambansang Awit ng Watawat ng Pilipinas Pilipinas
Kilala rin bilang Bayang Magiliw (impormal)
Ingles: Beloved Country
Mga panitik ni José Palma, 1899
Tugtugin Julián Felipe, 1898
Inangkin 1898
Hanggang kasalukuyan

Ang "Lupang Hinirang" ay ang pambansang awit ng Pilipinas. Binuo ni Julian Felipe ang himig noong 1898 at ang mga titik ng awit naman ay inangkop mula sa tulang Filipinas na isinulat ni Jose Palma sa wikang Kastila nuong 1899.

Nagsimula ito bilang isang martsang pang-instrumental na ipinag-atas ni Emilio Aguinaldo na gamitin sa pagpapahayag ng kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya. Marcha Filipina Magdalo ang unang pangalan nito ngunit binago at naging Marcha Nacional Filipina matapos hirangin ito bilang pambansang awit ng Unang Republika ng Pilipinas. Una itong tinugtog ng bandang San Francisco De Malabon sa araw ng pagpapahayag ng kalayaan noong Hunyo 12, 1898. Ang mga titik ng awit ay idinagdag na lamang matapos isulat ni Jose Palma ang tulang Filipinas nuong Agosto 1899.

Naisipan ng pamahalaang kolonyal ng Estados Unidos noong dekada 1920 na isalin ang pambansang awit sa Ingles mula sa Kastila matapos na mapawalang bisa ang Flag Law[1]. Ang pinaka-tanyag na pagsasalin ay ang "Philippine Hymn" na ginawa nina Senador Camilo Osias at isang Amerikano na si Mary A. Lane. Ito ang ginawang opisyal na pagsasalin ng Kapulungan ng Pilipinas noong 1938.

Ang mga pagsasalin ng pambansang awit sa Tagalog ay ginawa noong dekada 1940. Ang pinaka-tanyag sa mga salin na ito ay ang O Sintang Lupa na sinulat ni Julian Cruz Balmaceda, Ildefonso Santos at Francisco Caballo. Ito ang naging pambansang awit noong 1948.

Nagbuo naman ng komisyon ang Kalihim ng Edukasyon na si Gregorio Hernandez upang baguhin ang mga salitang Tagalog ng pambansang awit noong panunungkulan ni Pangulong Ramon Magsaysay. Naging bunga nito ang pambansang awit na Lupang Hinirang na unang inawit nuong Mayo 26, 1956. May mga kaunti pang mga pagbabago ang idinagdag nuong 1962 na ginagamit hanggang sa kasalukuyan.

Mga titik[baguhin]

Ang mga sumusunod ay mga bersyon ng pambansang awit sa Tagalog, Kastila, Cebuano, Hiligaynon, Bikolano, Pangasinan, at Filipino.

Filipino: Lupang Hinirang[baguhin]

Nina Julian Cruz Balmaceda, Ildefonso Santos, at Francisco Caballo; ang pinakahuling salinwika ng 1962

Bayang magiliw,
Perlas ng Silanganan.
Alab ng puso,
Sa dibdib mo'y buhay.
Lupang Hinirang,
Duyan ka nang Magiting.
Sa manlulupig,
Di ka pasisiil.
Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw.
May dilag ang tula,
At awit sa paglayang minamahal.
Ang kislap ng Watawat,
Mo'y tagumpay na nagniningning.
Ang bituin at araw,
Niya'y kailan pa ma'y 'di magdidilim.
Lupa ng araw ng luwalhati't pagsinta
Buhay ay langit sa piling mo.
Aming ligaya na pag may mang-aapi.
Ang mamatay nang dahil sa'yo!

Espanyol: Marcha Nacional Filipina[baguhin]

ni José Palma

Tierra adorada
Hija del sol de Oriente,
Su fuego ardiente
En ti latiendo está.
¡Tierra de amores!
Del heroísmo cuna,
Los invasores
No te hollarán jamás.
En tu azul cielo, en tus auras,
En tus montes y en tu mar
Esplende y late el poema
De tu amada libertad.
Tu pabellón, que en las lides
La victoria iluminó,
No verá nunca apagados
Sus estrellas ni su sol.
Tierra de dichas, del sol y amores,
En tu regazo dulce es vivir.
Es una gloria para tus hijos,
Cuando te ofenden, por ti morir.

Ingles: Philippine Hymn[baguhin]

ni Senador Camilo Osias at Mary A. Lane

Land of the morning,
Child of the sun returning,
With fervor burning,
Thee do our souls adore.
Land dear and holy,
Cradle of noble heroes,
Ne'er shall invaders
Trample thy sacred shore
Ever within thy skies and through thy clouds
And o'er thy hills and seas,
Do we behold the radiance, feel and throb,
Of glorious liberty.
Thy banner, dear to all our hearts
It's sun and stars alight,
O never shall it's shining field,
Be dimmed by tyrant's might!
Beautiful land of love,
O land of light,
In thine embrace 'tis rapture to lie,
But it is glory ever, when thou art wronged,
For us, thy sons to suffer and die.

Ingles: Chosen Land[baguhin]

Literal na salin ng Lupang Hinirang sa Ingles. Hindi opisyal.

Beloved country,
Pearl of the Orient,
The heart's fervor,
In your bosom is ever alive.
Chosen Land,
You are the cradle of the brave,
To the conquerors,
You shall never surrender.
Through the seas and mountains,
Through the air and your azure skies,
There is splendor in the poem
And songs of beloved freedom.
The sparkle of your flag
Is shining victory.
Its stars and sun
Forever will never dim.
Land of the morning, of glory, of our affection,
Life is heaven in your arms;
When someone oppresses you, it is our pleasure
To die for you.

Tagalog: Diwa ng Bayan[baguhin]

Ang unang salinwikang Tagalog, ginamit sa Panahon ng Hapon sa Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Lupang mapalad,
Na mutya ng silangan;
Bayang kasuyo,
Ng Sangkalikasan.
Buhay at yaman,
Ng kapilipinuhan;
Kuha't bawi,
Sa Banyagang kamay.
Sa iyong langit, Bundok,
Batis, Dagat na pinalupig;
Nailibing na ng karimlan,
Ng kahapong pagtitiis.
Sakit at luha, hirap,
Susa at sumpa sa pagaamis;
Ay wala nang lahat at naligtas,
Sa ibig maglupit.
Hayo't magdiwang Lahi kong minamahal,
Iyong watawat ang siyang tanglaw;
At kung sakaling ikaw ay muling pagbantaan,
Aming bangkay ang siyang hahadlang.

Tagalog: LUPANG PINIPINTUHO[baguhin]

Bersyon ni Balmaceda, Santos at Caballo na ginamit mula 1948 (dalawang taon pagkaraan ng pagbibigay ng kasarinlan sa Pilipinas ng Estados Unidos noong 1946) hanggang 1956. Napalitan ito ng salinwika ng 1956, na nagkaroon din ng pagbabago sa kalaunan.

O sintang lupa,
Perlas ng Silanganan;
Diwang apoy kang
Sa araw nagmula.
Lupang magiliw,
Pugad ng kagitingan,
Sa manlulupig
Di ka papaslang.
Sa iyong langit, simoy, parang.
Dagat at kabundukan,
Laganap ang tibok ng puso
Sa paglayang walang hanggan.
Sagisag ng watawat mong mahal
Ningning at tagumpay;
Araw't bituin niyang maalab
Ang s'yang lagi naming tanglaw.
Sa iyo Lupa ng ligaya't pagsinta,
Tamis mabuhay na yakap mo,
Datapwat langit ding kung ikaw ay apihin
Ay mamatay ng dahil sa 'yo.

Ilokano: Nailian a Dayyeng[baguhin]

Orihinal na bersyon nina Dr. Mary Lou Campo at Prof. Romeo Sevilleja

O Pilipinas, tampok ti kinapintas
Ti addaan puso, ay-ayatendaka
Bagnos ken baggak, perlas ti dumaya
Dimi ipalubos nga irurumendaka
Iti tangatang, ulep ken pul-oy
Bambantay ken baybay
Mangmangngeg ken mariknami't
Samiweng ni waya-waya
Ipatpategmi ti wagaywaymo
Tanda ti balligi
Bitbituen, Initmo, Ingget raniag
Dinto pulos nga aglidem
Daga ni gasat, ragsak
Nam-ay ken Ayat
Ta sidongmo, dayawmi ti agbiag
Ngem nadaydayawkam
A sikakanatad
Gapu kenka, iruknoymi toy biag.


bersyon ni Eugene Carmelo C. Pedro

Imnas nga ili
Baggak ti dumadaya
Daytoy ayatmi
Ti sagutmi kenka
Dagat' kinasudi
Indayon ti nakired
Iti mangdadael
Haanka pailuges
Iti tangatang, ulep ken pul-oy
Bambantay ken baybay
Addan dayag ti daniw ken dayyeng
Ti nasamit a wayam
Ti raniag ta wagaywaymo
Ket balligi a nasileng
Ti init ken dagiti bituenna
Dinto pulos aglidem
Nakaliblibnos unay a dagan' ayat
Daytoy biag langit dita dennam
Ngem no ti dayawmot' inda dadaesen
Inggat' tanem sumalakankam

Cebuano: Nasudnong Awit[baguhin]

ni Jess Vestil

Yutang tabunon
Mutya nga masilakon
Putling bahandi
Amo kang gimahal
Mithing gisimba
Yuta s'mga bayani
Sa manglulupig
Among panalipdan
Ang mga bungtod mo ug lapyahan
Ang langit mong bughaw
Nagahulad sa awit, lamdag sa
Kaliwat tang gawas
Silaw sa adlaw ug bitoon
Sa nasudnong bandila
Nagatimaan nga buhion ta
Hugpong nga di maluba
Yutang maanyag, duyan ka sa pagmahal
Landong sa langit ang dughaan mo;
Pakatam-isom sa anak mong nagtukaw
Kon mamatay man sa ngalan mo.

Hiligaynon: Banwang Guinhalaran[baguhin]

Banwang masinadyahon,
Perlas sang nasidlangan,
Init sang tigpusuon,
Gakabuhi sa imo nga dughan.
Banwang Guinhalaran,
Payag ka sang maisog,
Sa mga manugpigos,
Wala guid nagapadaog.
Sa dagat kag bukid,
Sa usbong kag sa dagway nga gabanaag,
May idlak kag tibok ang dilambong,
Kag amba sang kahilwayan.
Ang idlak sang ayahay mo,
Isa ka matam-is nga kadalag-an,
Ang bituon kag ang adlaw,
Nangin masanag sa katubtuban.
Dutang nasambit sang adlaw kag paghigugma,
Sa sabak mo matam-is ang mabuhi,
Ginapakipagbato namon, nga kung may manungpanakop,
Ang mapatay nahanungod sa imo.

Bikolano: Rona Kang Mawili[baguhin]

Bayang Inutang
Aki ka nin sirangan
Tingraw niyang malaad
Nasa si-mong daghan.
Rona kang mawili
Nagimatan bayani
An mansalakay
Dai ka babatayan.
Sa si-mong langit, bukid
Hayop kadagatan siring man
Nagkukutab nagbabanaag
An si-mong katalingkasan.
Simong bandera na nagkikintab
Sa hokbo naglayaw
Dai nanggad mapapara
An simong bitoon Aldaw.
Dagang nawilihan, maogma, maliwanag,
Sa limpoy mo hamis mabuhay
Minamarhay mi kun ika pagbasangan
An buhay mi si-mo idusay.

Pangasinan: Oh, Pilipinas dalin min kagal-galang[baguhin]

Oh, Pilipinas,
Dalin min kagal-galang
Musia na dayat,
Ed dapit letakan
Simpey gayagan,
Panag-ugagepan day
Totoon lapag,
Ed dapit-seslekan.
Saray anak mo agda
Kawananen ya ibagat ed sika'y
Dilin bilay da no
Nakaukulay galang tan ka-inaoan
Diad palandey, lawak, taquel,
Dayat o no dia ed lawang
Sugbaen day patey ya andi
Dua-rua no sikay pan-sengegan.
Diad silong na laylay mo mankaka-sakey
Tan diad sika man-lingkor tan mangi-agel
Bangta dia'd akualan mo aneng-neng day silew
Diad akualan mo muet akuen day patey.

Mg sanggunian[baguhin]

  1. Pomeroy, William J. (Published 1992), The Philippines: Colonialism, Collaboration, and Resistance, International Publishers Co., p. 10, ISBN 0717806928, http://books.google.com/books?id=vQPpEa02N5kC&pg=PA10&dq=Philippines+%22flag+law%22&ei=QGeaR4OwFKCwtgOJ5oGAAQ&sig=k4nT52CTfW0hbQk6gD1nxM4gPps#PPA10,M1, nakuha noong 2008-01-26 ; excerpted quote: "In 1909 an entire band was sent to prison for playing the Philippine National Anthem at a festival in Quiapo, Manila.", citing Agoncillo, Teodoro A. (2005), The Revolt of the Masses: The Story of Bonifacio and the Katipunan, Quezon City: University of the Philippines Press 

Tingnan Din[baguhin]