Miguel Malvar

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Miguel Malva
Kapanganakan Setyembre 27, 1865
Sto. Tomas, Batangas
Kamatayan Oktubre 13, 1911
Maynila
Pagkamamamayan Pilipinas
Miguel Malvar.

Si Heneral Miguel Malvar (ipinanganak Setyembre 27, 1865) ay isang Pilipinong pinuno ng kilusan noong Himagsikang Pilipino at sa kalaunan ang Digmaang Pilipino-Amerikano. Bunsod ng sagupaan na nagpadakip kay Emilio Aguinaldo noong 1901, ipinagpatuloy niya ang pamamahala sa Hukbong Rebolusyonaryo .


Si Malvar ay ipinanganak noong Setyembre 27, 1865 sa Santo Tomas, Batangas nina Maximo Malvar at Tiburcia Carpio. Ang kanyang ama ay mayamang magsasaka ng tubo at palay kaya siya pati narin ang kanyang mga kapatid ay nakapag-aral. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, siya’y umunlad sa paglilinang ng kahel sa lupang pinagtrabahuhan niya ng husto. Siya rin ang nag-asawa at nagkaroon ng pamilya.

Siya ay nagtapos ng primarya sa ilalim ng pagtuturo ni Valerio Malabanan at pagkatapos ay lumuwas ng Maynila upang ipagpatuloy ang pag-aaral.

Siya ay naging kalihim ng munisipyo ng Santo Tomas at naglingkod bilang capitan municipal. Siya ang naging lider ng kilusang laban sa Kastila sa Batangas, Naging heneral din siya nang matatag ng panlalawigang pamahalaan ng Cavite. Lahat ng kanyang pakikipaglaban sa Batangas ay naging matagumpay.

Si Heneral Malvar na kilala bilang isang magiting na heneral ay namatay noong Oktubre 13, 1911.

Mga kawing panlabas[baguhin]