Unang Republika ng Pilipinas

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
República Filipina
Repúbliká ng̃ Filipinas
Hindi kinikilala

 

 

1899–1901
 

Flag Coat of arms
Watawat Coat of arms
Pambansang Awit
Himno Nacional Filipina
Location of Republika ng Malolos
Lokasyon ng Pilipinas sa Asya
Kabisera Malolos, Bulacan (Official) 23 Enero 1899-29 Marso 1899
San Isidro, Nueva Ecija 29 Marso 1899-9 Mayo 1899
Palanan, Isabela 6 Setyembre 1900-23 Marso 1901
(Mga) wika Kastila (de facto)
Tagalog
Pamahalaan Republika
Presidente de la República
 - 1898-1901 Emilio Aguinaldo
Presidente del Consejos de Gobierno
 - 1898-1899 Apolinario Mabini
 - 1899 Pedro A. Paterno
Panahong pangkasaysayan Rebolusyon ng Pilipinas
 - Established Enero 23, 1899
 - Binuwag ¹ Marso 23, 1901
Lawak
 - 1898 198,000 km² (76,448 sq mi)
Populasyon
 - 1898 est. 8,000,000 
     Densidad 40.4 /km²  (104.6 /sq mi)
Salapi Peso
¹ Capture of Emilio Aguinaldo.

Ang Unang Republika ng Pilipinas o Unang Republika Pilipina (opisyal na tinawag na República Filipina, Ingles: Philippine Republic, Lumang Tagalog: Repúbliká ng̃ Filipinas) ay ang pamahalaan ng Pilipinas na itinatag kasabay ng paghahayag ng Saligang Batas ng Malolos noong 23 Enero 1899 sa Malolos, Bulacan hanggang sa pagdakip at pagsuko ni Emilio Aguinaldo, ang Pangulo ng republika, sa mga sundalong Amerikano noong 23 Marso 1901 sa Palanan, Isabela, na nagtapos sa Unang Republika. Ito ang unang republikang itinatag sa Asya ng mga Asyano.

Ang pagtatatag ng Republika ng Pilipinas ang naging pinakamahalagang pangyayari sa himagsikan ng mga Pilipino laban sa pamamahala ng mga Espanyol. Ipinahayag ang kalayaan noong 12 Hunyo 1898 at ang pamahalaang diktatoryal na umiiral noon ay pinalitan ng pamahalaang rebolusyonaryo na pinamunuan ni Emilio Aguinaldo bilang pangulo noong 23 Hunyo 1898.

Nagkaroon ang republikang ito ng Kongresong nagsilbing tagapayo ni Aguinaldo.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Si Emilio Aguinaldo, ang pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas

Mga naunang uri ng pamahalaan[baguhin | baguhin ang batayan]

Maraming mga uri ng pamahalaan ang ginamit ng mga rebolusyonaryo. Itinatag ni Emilio Aguinaldo ang pamahalaan sa Biak-na-Bato noong 7 Hulyo 1897 na nagpatapon sa mga pinuno ng himagsikan sa Hong Kong. Nang bumalik sila sa Pilipinas, itinatag niya ang pamahalaang diktatoryal upang ipawalang-bisa ang pamahalaan sa Biak-na-Bato. Pinalitan ang pamahalaan diktatoryal ng pamahalaang rebolusyonaryo noong 23 Hunyo 1898.Ipinagtibay ang Constitución política de la República Filipina noong 21 Enero 1899 sa Simbahan ng Barasoain. Matapos ang dalawang araw, itinatag ang republika na pinamunuan ni Aguinaldo.

Pagtatatag ng republika[baguhin | baguhin ang batayan]

Ipinagtibay ang Constitución política de la República Filipina noong 21 Enero 1899 sa Simbahan ng Barasoain. Matapos ang dalawang araw, itinatag ang republika na pinamunuan ni Aguinaldo.

Mga sundalo ng sandatahang-lakas sa sesyon ng kongreso.

Digmaang Pilipino-Amerikano[baguhin | baguhin ang batayan]

Naging kaalyado ng Estados Unidos ang republika laban sa mga Espanyol, ngunit naging malinaw ang naging hangarin nito na makuha ang Pilipinas. Tumaas ang tensiyon ng mga Pilipino laban sa mga Amerikano hanggang sa sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano noong 4 Pebrero 1899. Nang makuha ng mga Amerikano ang Malolos, lumikas si Aguinaldo patungo sa Hilagang Luzon. Binuwag niya ang sandatahang lakas at umasa sa pakikipaglaban ng mga gerilya. Nadakip si Aguinaldo sa Palanan, Isabela noong 23 Marso 1901 ng mga Amerikanong sundalo na pinamunuan ni Heneral Frederick Funston. Nanumpa si Aguinaldo ng katapatan noong Abril 1, at tuluyang nagwakas ang unang republika. Ngunit matapos ang pagbagsak ng republika, marami pa rin ang nakipaglaban para sa kalayaan.

Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]