Emilio Jacinto
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
| Emilio Jacinto | |
|---|---|
| Kapanganakan | Disyembre 15, 1875 Maynila |
| Kamatayan | Abril 16, 1899 (edad 23) Majayjay, Laguna |
| Ibang pangalan | "Pingkian", "Dimas-Ilaw" |
| Kilala dahil sa | "Utak ng Katipunan" |
Si Emilio Jacinto ay isinilang noong Disyembre 15, 1875 sa Trozo, Maynila. Ang kanyang mga magulang ay sina Mariano Jacinto at Josefa Dizon. Solong itinaguyod ng ina ni Emilio bilang isang kumadrona ang buhay nila mula nang mamatay ang kanyang ama. Dahil sa kahirapan, si Emilio ay tumira sa kanyang tiyuhin.
Si Emilio ay nag-aral sa Colegio de San Juan de Letran at kumuha ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas subalit ito ay natigil nang siya ay sumapi sa Katipunan noong 1896. Sa gulang na 19 siya ay isa sa mga magagaling na pinuno ng Katipunan. Siya rin ang naging tagapayo, kalihim at piskal ni Andres Bonifacio. Si Emilio rin ang editor ng Ang Kalayaan, ang pahayagan ng Katipunan. Iniakda rin ni Emilio ang Cartilla, ang batas at alintuntunin ng Katipunan kaya't siya ay tinaguriang Utak ng Katipunan.
Siya ay isa ring makata at ilan sa kanyang mga tulay ay A La Patria na hango sa Ultimo Adios ni Jose Rizal. Ang ginagamit niyang pangalan sa pagsulat ay "Dimas-Ilaw".
Sa isang sagupaan sa Majayjay, Laguna, si Jacinto ay lubhang nasugatan at binawian ng buhay noong ika-16 ng Abril, 1899 sa edad na 23.