Pumunta sa nilalaman

Ramon Magsaysay

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ramon Magsaysay
Ika-7 Pangulo ng Pilipinas
Ikatlong Pangulo ng Ikatlong Republika
Nasa puwesto
30 Disyembre 1953 – 17 Marso 1957
Pangalwang PanguloCarlos P. García
Nakaraang sinundanElpidio Quirino
Sinundan niCarlos P. García
Kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula sa Solong Distrito ng Zambales
Nasa puwesto
28 Mayo 1946 – 1 Setyembre 1950
Nakaraang sinundanValentin Afable
Sinundan niEnrique Corpus
Personal na detalye
Isinilang31 Agosto 1907
Iba, Zambales
Yumao17 Marso 1957
Bundok Manunggal, Balamban, Cebu
Partidong pampolitikaPartido Nacionalista (1953–1957)
Partido Liberal (1946–1953)[1][2]
AsawaLuz Banson
AnakTeresita, Milagros, Jun
TrabahoInhinyero

Si Ramón "Monching" del Fierro Magsaysay[3] (31 Agosto 1907 – 17 Marso 1957) ay ang ikapitong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (30 Disyembre 1953-17 Marso 1957), na nagsilbi hanggang sa kanyang kamatayan sa di sinadyang pagbagsak ng eroplanong kanyang sinasakyan.

Isinilang siya sa Castillejos, Zambales noong 31 Agosto 1907 kina Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro. Nag-aral siya sa Pamantasan ng Pilipinas at sa Jose Rizal College (kilala ngayon bilang Pamantasang Jose Rizal).

Naglingkod siya bilang tagapamahala ng Try-Tran Motors noong panahong bago magdigmaan. Nang bumagsak ang Bataan, inorganisa niya ang "Pwersang Gerilya sa Kanlurang Luzon" at pinalaya ng puwersang Amerikano at Pilipino ang Zambales noong 26 Enero 1945. Noong 1950, bilang Kalihim ng Pagtatanggol, kaniyang binuwag ang pamunuan ng mga Hukbalahap. Pinigil niya ang panganib na binabalak ng Pulahang Komunista at naging napakatanyag sa mamamayan. Noong eleksiyon ng 1953, tinalo niya si Quirino at naging ikatlong pangulo ng Pangatlong Republika ng Pilipinas. Ang kanyang pangalawang pangulo ay si Carlos P. Garcia.

Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis Taruc, Supremo ng Hukbalahap o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya".

Siya ay tinawag na "Kampeon ng mga Masa" at ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan. Winakasan niya ang korupsiyon sa pamahalaan at pinatalsik ang mga inkompetenteng heneral.

Nagwakas ang kanyang pamamahala nang mamatay siya dahil sa pagbagsak ng eroplanong kanyang sinasakyan(Mt. Pinatubo) sa Bundok Manunggal sa Balamban, Cebu noong 17 Marso 1957.

Ramon Magsaysay bago ang 1927

Si Ramon Magsaysay ay ipinanganak sa Iba, Zambales sa panday na si Exequiel Magsaysay at gurong si Perfecta del Fierro. Siya ay nag-aral sa Zambales Academy sa sekundarya at Unibersidad ng Pilipinas sa kolehiyo sa kursong pre-inhenyerya. Lumipat siya sa Institute of Commerce sa Jose Rizal College (1928–1932) at nakapagtapos ng kursong Komersiyo. Nagtrabaho siya bilang tsuper habang nag-aaral. Siya ay nagtrabaho bilang mekaniko ng Try Tran Bus Company sa Maynila at kalaunang naging manager nito. Sa opisina ng Try Tran na nakilala niya ang kanyang asawang si Luz Banzon na kumukuha ng kabayaran para sa kompanya ng bus na ipinagbili ng ama ni Banzon sa Try Tran. Sila ay ikinasal noong 10 Hunyo 1933.

Ikalawang Digmaang Pandaigdig

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sumali si Magsaysay sa motor pool ng ika-31 Dibisyong impanterya ng Hukbo ng Pilipinas bilang kapitan. Pagkatapos ng pagbagsak ng Bataan noong 1942, inorganisa niya ang Puwersang Gerilya ng kanluraning Luzon na lumaban sa mga Hapones. Nanatili siya sa ranggong kapitan nang mapalaya ng mga Amerikano ang Pilipinas noong 1945 bagaman pinangasiwaan niya ang mga 12,000 katao. Tumanggi siyang itaas ang kanyang ranggo ngunit ginawa siyang isang major ng mga Amerikano. Sa wakas ng digmaan, hinirang siyang Militaryong Gobernador ng Zambales noong 4 Pebrero 1945. Pagkatapos ng dalawang buwan, ang administrasyong panglalawigan ay inilipat sa sibilyang Gobernador.

Kapulungan ng mga Kinatawan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 23 Abril 1946, si Magsaysay ay nahalal sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas bilang Independiyente. Noong 1948, pinili siya ni Pangulong Manuel Roxas upang pumunta sa Washington, Estados Unidos bilang Chairman of the Committee on Guerilla Affairs upang makatulong sa pagpasa ng Rogers Bill na nagbibigay ng mga benepisyo sa mga beteranong Pilipino sa digmaan. Muli siyang nahalal na kinatawan noong 1948 at naging Chairman ng House National Defense Committee.

Kalihim ng Pagtatanggol sa ilalim ni Elpidio Quirino

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 31 Agosto 1950, si Magsaysay ay hinirang ni Pangulong Elpidio Quirino na maging Kalihim ng Pambansang pagtatanggol matapos alukin ni Magsaysay si Quirino na labanan ang mga gerilyang komunista gamit ang kanyang mga karanasan sa labanang gerilya noong Digmaan. Pinaigting ni Magsaysay ang kanyang pakikidigma laban sa mga Hukbalahap na naging isa sa pinakamatagumpay na kampanyang anti-gerilya sa modernong kasaysayan. Ang tagumpay nito ay sinasabing sanhi sa isang bahagi ng mga hindi kombensiyonal na pamamaraang ginamit ni Magsaysay. Ginamit niya ang mga sundalo ng Hukbo ng Pilipinas upang mamahagi ng mga relief good at iba pang mga tulong sa mga malalayong pook sa probinsiya. Nagtayo ang hukbo ng mga paaralan, mga ospital, mga bahay pansakahan para sa mga mahihirap na mamamayan. Nag-alok si Magsaysay ng kapatawaran, paggamot medikal at libreng lupain sa kagubatan ng Mindanao sa sinumang rebelde na susuko. Habang ang opinyong maganda ng publiko sa hukbo ng Pilipinas ay tumataas, ang bilang ng Hukbalahap ay bumabagsak. Bago ni Magsaysay, ang mga mamamayan sa mga mga malalayong pook na rural ay walang tiwala sa mga sundalo ng Hukbo ng Pilipinas, ngunit sa ilalim ni Magsaysay ay nagsimulang igalang at hangaan ng mga mamamayan ang mga sundalo. Noong mga 1952, ang karamihan ng mga pinunong rebelde ay nabihag o napatay na.

Noong mga 1953, naniwala si Quirino na ang banta ng Hukbalahap ay nakontrol na at si Magsaysay ay nagiging labis na makapangyarihan sa politika. Nakatagpo si Magsaysay ng panghihimasok at panghaharang ng Pangulong Quirino at mga tagapayo nito sa takot na baka matalo sila sa susunod na halalan ng pagkapangulo. Sa panahong ito ay wala pang intensiyon si Magsaysay na tumakbo bilang pangulo ngunit hinikayat mula sa ibat ibang panig ng lipunan. Kalaunan siyang nahikayat na ang pagtakbo sa pagkapangulo ang paraan upang maipagpatuloy ang kanyang pakikipaglaban sa komunismo. Naniwala si Magsaysay na ang tiwaling administrasyon ni Quirino ang nagsasanhi ng pagsiklab ng mga gerilyang komunista. Nagbitiw si Magsaysay bilang kalihim ng pagtatanggol ni Quirino noong 28 Pebrero 1953 at naging kandidato para sa pagkapangulo ng Partido Nacionalista.

Inaugurasyon nina Ramon Magsaysay at Carlos P. Garcia bilang Pangulo at Ikalawang Pangulo noong 30 Disyembre 1953, Independence Grandstand (ngayong Quirino Grandstand)

Nanalo si Ramon Magsaysay sa 1953 halalan ng pagkapangulo laban sa nakaupong pangulong si Elpidio Quirino. Siya ay nanumpa na suot ang Barong Tagalog na kauna-unahang pangulo ng Pilipinas na gumawa nito. Binuksan niya ang mga bakod ng Malacañáng sa mga ordinaryong mamamayan.

Buong nilinis ni Magsaysay ang hukbo ng Pilipinas, winakasan ang korupsiyon at pinatalsik ang mga walang kakayahang heneral. Ang mga espesyal na unit na anti-gerilya ay nilikha laban sa mga naghihimagsik. Ang susi sa tagumpay ni Magsaysay ang kanyang pakikitungo sa mga ordinaryong mamamayan. Mahigpit niyang ipinatupad ang disiplina ng mga hukbo sa kanilang pakikitungo sa mga magsasaka.

Bilang Pangulo, nilinang niya ang malapit na pakikipagugnayang ekonomiko at panseguridad ng Pilipinas sa Estados Unidos. Ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ay 7.13 %.

Dahil sa malubhang pagiging hindi pantay ng pamamahagi ng mga lupain at kayamanan sa mga mahihirap na mamamayan, nagpakilala siya ng mga reporma sa lupain ngunit ang mga ito ay patuloy na hinaharang mga konserbatibong kasapi ng Kongreso ng Pilipinas na may-ari ng mga lupain na kumakatawan sa kanilang pansariling interes.

Gayunpaman, nagawang makakuha ni Magsaysay ng mga tirahang lupain para sa mga walang tahanang magsasaka, nagawang pabagsakin ang presyo ng mga bilihin at nagawang hatiin ang mga malalaking estadong lupain.

Bundok Manunggal na pinagbagsakan ng eroplanong sinasakyan ni Magsaysay.
Libingan ni Magsaysay sa Sementeryo Norte sa Maynila.

Noong 16 Marso 1957, nilisan ni Magsaysay ang Cebu kung saan siya nagsalita sa tatlong mga institusyon ng edukasyon. Nang kinagabihan ng mga ala una ng madaling araw, sumakay siya sa eroplano ng pangulo na "Mt. Pinatubo" na isang C-47 pabalik sa Maynila. Nang kinaumagahan nang Marso 17, ang kanyang eroplano ay iniulat na nawawala. Nang katanghalian, iniulat na ang kanyang eroplano ay bumagsak sa Bundok Manunggal sa Cebu at ang 26 sa 27 pasahero at crew ay namatay. Ang tanging nakaligtas ang mamamahayag na si Néstor Mata.

Ang tinatayang 2 milyong katao ay dumalo sa paglilibing kay Magsaysay noong 22 Marso 1957.

Hinalinhan siya ni Pangalawang Pangulo si Carlos Garcia bilang Pangulo.

  1. "Ramon Magsaysay." Microsoft Student 2009 [DVD]. Redmond, WA: Microsoft Corporation, 2008.
  2. Molina, Antonio. The Philippines: Through the centuries. Manila: University of Santo Tomas Cooperative, 1961. Print.
  3. Karnow, Stanley (1989). "Ramón "Monching" Magsaysay". "In Our Image, America's Empire in the Philippines", Random House, Inc., New York, ISBN 0345328167.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Sinundan:
Elpidio Quirino
Pangulo ng Pilipinas
1953–1957
Susunod:
Carlos Garcia