Jose P. Laurel

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa José P. Laurel)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Jose Laurel (paglilinaw).
Jose Paciano Laurel
Jose P. Laurel

Ika-3 Pangulo ng Pilipinas
Unang Pangulo ng Ikalawang Republika
Panunungkulan
Oktubre 14, 1943 – Agosto 17, 1945
Pangulo Manuel L. Quezon (1941-1944)
Sergio Osmeña (1944-1946)
Sinundan si Sergio Osmeña

Mahistrado ng Kataastaasang Hukuman ng Pilipinas
Panunungkulan
Pebrero 29, 1936 – Pebrero 5, 1942
Sinundan si George A. Malcolm
Sinundan ni Wala[1]

Kapanganakan Marso 9, 1891
Tanauan, Batangas
Kamatayan Nobyembre 6, 1959
Maynila
Partidong politikal Kapisanan ng Paglilingkod sa Bagong Pilipinas (KALIBAPI)[2]
Asawa Pacencia Hidalgo
Hanapbuhay Abogado
Relihiyon Katoliko
Lagda Lagda ni Jose P. Laurel

Si José Paciano Laurel y García (Marso 9, 1891 - Nobyembre 6, 1959) ay ang ikatlong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Oktubre 14, 1943-Agosto 17, 1945) sa ilalim ng mga Hapon mula 1943 hanggang 1945.

Isinilang si Laurel sa Tanauan, Batangas noong Marso 9, 1891 anak nina Sotero Laurel at Jacoba Garcia. Nagtapos siya ng abogasya sa U.P. noong 1915.

Pagkatapos ay, Hinirang na Kalihim Panloob ni Gob. Hen. Wood noong 1923 at naging Associate Justice noong 1935. Nanungkulan siya bilang Pangulo ng Kataas-taasang Hukuman nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at itinalaga siyang Kalihim ng Katarungan ni Quezon bago lumisan. Pinili si Laurel ng mga Hapon upang magsilbing pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas. Pinangalagaan niya ang kapakanan ng bansa sa gitna ng mga kalupitan ng mga Hapon. Ibinilanggo siya bilang "collaborator" pagkaraan ng digmaan ngunit pinalaya ni Pangulong Roxas noong 1948. Noong Nobyembre 6, 1959, namatay si Laurel sa grabeng atake sa puso at istrok.
Maling banggit (Umiiral na ang mga tatak na <ref>, subalit walang natagpuang tatak na <references/>); $2