Douglas MacArthur

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Si Douglas MacArthur noong nasa Maynila, c. 1945.

Si Douglas MacArthur (Enero 26, 1880 - Abril 5, 1964) ay isang bantog na Amerikanong heneral na naglingkod noong Unang Digmaang Pandaigdig, Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at Digmaang Koreano. Ipinanganak siya sa Little Rock, Arkansas.[1] Umako siya ng isang malaking gampanin sa Pasipiko noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[2] Siya ang inatasang mamuno sa pagsalakay sa Hapon noong Nobyembre 1945 ngunit tinanggap niya ang pagsuko ng mga Hapon noong Setyembre 2, 1945. Siya ang naging superbisor ng Hapon mula noong 1945 hanggang 1951 at ang gumawa ng mga demokratikong reporma sa bansang iyon. Siya ang namuno sa mga hukbo ng Nagkakaisang Bansa na nagtanggol sa Timog Korea noong 1950-1951 mula sa pagsalakay ng Hilagang Korea, noong panahon ng Digmaang Koreano.[2] Nagretiro mula sa tungkulin si MacArthur sa utos ni Pangulong Harry S. Truman ng Estados Unidos noong Abril 1951. Namatay siya sa Washington, D.C. noong 1964.[1]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 US Army Center of Military History, "Douglas MacArthur," na sumisipi kay Gardner, William Bell. (1983). Commanding Generals and Chiefs of Staff, 1775-1982; hinango noong 2012-12-24.
  2. 2.0 2.1 Deverell, William at Deborah Gray White. United States History and New York History: Post-Civil War to the Present (Holt McDougal:2010), pahina R132.




KasaysayanPilipinasEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan, Pilipinas at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.