Malabon

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lungsod ng Malabon)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Lungsod ng Malabon
—  Lungsod  —
Opisyal na sagisag ng Lungsod ng Malabon
Sagisag
Mapa ng Kalakhang Maynila na nagpapakita ng lokasyon ng Malabon
Bansa Pilipinas
Rehiyon Pambansang Punong Rehiyon
Lalawigan
Distrito Nag-iisang Distrito ng Malabon
Mga barangay 21
Pagkatatag 1821
Ganap na Lungsod 7 Mayo 2001
Pamahalaan
 • Punong Lungsod Antolin Oreta III (Liberal Party?)
Lawak
 • Kabuuan 15.71 km2 (6.07 sq mi)
Populasyon (2010)
 • Kabuuan 353,337
Sona ng oras PST (UTC+8)
Kodigo Postal 1470 (CPO)
Kodigong pantawag 2
Kaurian ng kita Unang klase
PSGC 137502000
Website Official City Government Website

Ang Lungsod ng Malabon ay isa sa mga lungsod at munisipalidad na bumubuo ng Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Matatagpuan sa hilaga ng Maynila, tinatayang may 340,000 ang populasyon nito noong 2010. Ito ay maituturing na isang pamayanan at industriyal na lungsod at isa ito sa may pinakamakapal na populasyon sa Kamaynilaan. Mayroon itong kabuuang lawak na 19.76 kilometro kwadrado.

Bahagi ang lungsod ng isang sub-rehiyon ng Kalakhang Maynila na tinaguriang CAMANAVA. Binubuo ang CAMANAVA ng Lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas, at Lungsod ng Valenzuela. Napapaligiran ang Malabon ng Caloocan sa timog at silangan, Navotas sa kanluran, at Valenzuela sa hilaga. Nasa hilagang-kanluran naman ng hangganan nito ang Obando, isang bayan ng lalawigan ng Bulacan.

Mga Barangay ng malabon[baguhin]

  • Acacia
  • Baritan
  • Bayan-bayanan
  • Catmon
  • Concepcion
  • Dampalit
  • Flores
  • Hulong Duhat
  • Ibaba
  • Longos
  • Maysilo
  • Muzon
  • Niugan
  • Panghulo
  • Potrero
  • San Agustin
  • Santolan
  • Tañong
  • Tinajeros
  • Tonsuya
  • Tugatog

Tingnan din[baguhin]