Lungsod ng Buenos Aires

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Abenidang ika-9 ng Hulyo, at ang Obelisko sa dulong likuran

Ang Nagsasariling Lungsod ng Buenos Aires (Kastila: Ciudad Autónoma de Buenos Aires) ang kabisera ng Arhentina at ang pinakamalaki nitong lungsod at daungan. Matatagpuan ito sa timugang bahagi ng Río de la Plata, sa timog-silangang bahagi ng kontinente ng Timog Amerika.

Lubhang naimpluwensiyahan ng kalinangang Yuropeo ang Buenos Aires, kaya't ang lungsod ay minsang itinuturing "Paris ng Katimugan" o "Paris ng Timog Amerika,[1][2] isang bansag na kadalasa'y hindi tinatanggap ng mga Arhentino na naniniwalang ang Buenos Aires ay iisa at natatangi. Tinatawag na mga Portenyo (Kastila: porteño, "tagadaungan") ang mga naninirahan sa Buenos Aires.

Sa Buenos Aires nagmula ang tanggo.

Turismo[baguhin]

Puerto Madero sa gabi

Maraming museo, makasaysayang mga gusali, sentro ng pamilihan, otel at mga sugalan ang lungsod.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 'Paris of the South' by Kenneth Bagnell, Canoe travel, 2005-03-07, accessed 2006-08-07.
  2. Argentina: A Short History by Colin M. Lewis, Oneworld Publications, Oxford, 2002. ISBN 1-85168-300-3


Mga panlabas na kawing[baguhin]



Arhentina Ang lathalaing ito na tungkol sa Arhentina ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.