Panoramang urbano

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang isang panoramang urbano o skyline sa Ingles ay maaaring ilarawan bilang pangkalahatan o pambahaging tanawin ng isang pigura ng mga matataas na gusali at istruktura ng isang lungsod na binubuo ng maraming gusaling tukudlangit (skyscrapers) sa harap ng langit sa likuran. Maaari ring ilarawan bilang artipisyal na abot-tanaw na nililikha ng lubusang istruktura ng isang lungsod. Nagsisilbi ang mga panoramang urbano bilang isang uri ng tatak-daliri ng isang lungsod, dahil wala sa anumang dalawang panoramang urbano ay magkakambal. Ang mga panoramang urbano na ipinapalaki sa isang malaking (minsang panoramiko) tanawin dahil sa mga malalaking lungsod o mga magkakambal na lungsod ay itinatawag na cityscape. Sa maraming kalakhan, may mahalagang tungkulin sa pagbibigay-katuturan ng panoramang urbano ang mga gusaling tukudlangit.

Sa isa sa mga unang labas ng Mad Magazine, dinisenyo ang pabalat bilang isang parodiya ng Life Magazine, kasabay ng huwego ng mga tipo at pulang dulo; pero sa halip ng makabagbag-pusong panoramang urbano ng lungsod ng New York, ang panoramang urbanong ginamit sa pabalat ng MAD ay iniretrato mula sa isang bintana sa loob ng kubeta sa tanggapan ng MAD.

Supnayan ng mga larawan[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]