Gabinete ng Pilipinas

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Pilipinas

Ang lathalaing ito ay bahagi ng mga serye:
Politika at pamahalaan ng
Pilipinas



Mga iba pang bansa · Atlas
 Portal ng Pamahalaan ng Pilipinas

Ang Gabinete ng Pilipinas (tinatawag ring Gabinete) ay binubuo ng mga namumuno sa pinakamalaking bahagi ng sangay tagapagpaganap ng pambansang pamahalaan ng Pilipinas. Sa ngayon, binubuo ito ng 19 na kalihim ng kagawarang tagapagpaganap at ang iba pang mga pinuno ng mga ahensiya at tanggapan na sumasailalim sa Pangulo ng Pilipinas.

Ang mga kalihim ng Gabinete ay inaatasan payuhan ang Pangulo sa iba't ibang gawain ng estado gaya ng pagsasaka, pagbabadyet, pananalapi, edukasyon, at kagalingang panlipunan, pambansang tanggulan, ugnayang panlabas atbp.

Sila ay ninonomina ng Pangulo at inihaharap sa Komisyon ng Paghirang, isang sangay ng Kongreso ng Pilipinas na kumukumpirma sa lahat ng mga ininatalaga pinuno ng estado. Kung ang mga ito ay maitalaga, sila ay makatatanggap ng titulong kalihim, at magsisimulang gawin ang kanilang takdang gawa.

Basehang konstitusyonal at legal[baguhin | baguhin ang batayan]

Pagtatalaga[baguhin | baguhin ang batayan]

Ayon sa Artikulo 7, Seksiyon 16 ng Saligang Batas ng Pilipinas, ang Pangulo ay

dapat magnomina at, sa pagsang-ayon ng Komisyon ng Paghirang, dapat humirang ng mga puno ng mga kagawarang tagapagpaganap, mga ambasador, iba pang mga pambayang minister at konsul, o mga pinuno ng sandatahang lakas mula sa rankong koronel o kapitan ng hukbong pandagat at iba pang mga pinuno na ang mga paghirang ay nakasalalay sa kanya sa Konstitusyong ito. Dapat din niyang hirangin ang lahat ng iba pang mga pinuno ng Pamahalaan na ang paghirang sa kanila ay walang ibang itinatadhana ang batas, at ng mga maaari niyang hirangin sa pamamagitan ng batas. Ang Kongreso, sa pamamagitan ng batas, ay maaaring magsalalay sa Pangulo lamang, sa mga hukuman, o sa mga puno ng mga kagawaran, mga sangay, mga komisyon o mga kalupunan, ng kapangyarihang humirang ng iba pang mga nakabababang pinuno.

Gabinete at mga opisyal na may antas-Gabinete[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang mga natakala sa ibaba ay ang mga bumubuo sa gabinete ng Pangulong Benigno S. Aquino III, at sila rin ang namumuno sa mga kagawarang tagapagpaganap ng Pilipinas. Ang mga namamahala ay nakatala ayon sa order of precedence na itinatag ng pamahalaan.[1]

Gabinete[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang lahat ng mga kagawaran ay nakatala sa paggamit ng kanilang pangalang Filipino sa itaas at ng kanilang pangalang [[Wikang InglMaliit na tekstoes|Ingles]] sa ibaba.

Kagawaran Daglat Tanggapan Kalihim Naninilbihan mula
Tanggapan ng Pangalawang Pangulo
Office of the Vice President
OVP Pangalawang Pangulo Jejomar C. Binay 30 Hunyo 2010
Sangguniang Pang-koordinasyon sa Pabahay at Pambayang Pagpapaunlad
Housing and Urban Development Coordinating Council
HUDCC Tagapangulo ng Sangguniang Pang-koordinasyon sa Pabahay at Pambayang Pagpapaunlad 20 Hulyo 2010
Kagawaran Daglat Tanggapan Kalihim Naninilbihan mula
Kagawaran ng Ugnayang Panlabas
Department of Foreign Affairs
DFA Kalihim ng Ugnayang Panlabas Albert F. del Rosario 23 Pebrero 2011
Tanggapan ng Kalihim Tagapagpaganap
Office of the Executive Secretary
OES Kalihim Tagapagpaganap Paquito N. Ochoa, Jr. 30 Hunyo 2010
Tanggapan ng Tagapagsalita ng Pangulo
Office of the Presidential Spokesperson
OPS Tagapagsalita ng Pangulo Edwin Lacierda 30 Hunyo 2010
Kagawaran ng Pananalapi
Department of Finance
DOF Kalihim ng Pananalapi Cesar V. Purisima 30 Hunyo 2010
Kagawaran ng Katarungan
Department of Justice
DOJ Kalihim ng Katarungan Leila M. de Lima 30 Hunyo 2010
Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal
Department of the Interior and Local Government
DILG Kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal Manuel A. Roxas II 31 Agosto 2012
Kagawaran ng Kalusugan
Department of Health
DOH Kalihim ng Kalusugan Dr. Enrique T. Ona 30 Hunyo 2010
Kagawaran ng Pagsasaka
Department of Agriculture
DA Kalihim ng Pagsasaka Proceso J. Alcala 30 Hunyo 2010
Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan
Department of Public Works and Highways
DPWH Kalihim ng Pagawaing Bayan at Lansangan Rogelio L. Singson 30 Hunyo 2010
Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon
Department of Transportation and Communications
DOTC Kalihim ng Transportasyon at Komunikasyon Joseph Emilio A. Abaya 31 Agosto 2012
Kagawaran ng Edukasyon
Department of Education
DepEd Kalihim ng Edukasyon Bro. Armin A. Luistro FSC 30 Hunyo 2010
Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad
Department of Social Welfare and Development
DSWD Kalihim ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad Corazon Juliano-Soliman 30 Hunyo 2010
Kagawaran ng Paggawa at Empleyo
Department of Labor and Employment
DOLE Kalihim ng Paggawa at Empleyo Rosalinda D. Baldoz 30 Hunyo 2010
Kagawaran ng Pagbabadyet at Pamamahala
Department of Budget and Management
DBM Kalihim ng Pagbabadyet at Pamamahala Florencio B. Abad 30 Hunyo 2010
Kagawaran ng Tanggulang Pambansa
Department of National Defense
DND Kalihim ng Tanggulang Pambansa Voltaire T. Gazmin 30 Hunyo 2010
Kagawaran ng Agham at Teknolohiya
Department of Science and Technology
DOST Kalihim ng Agham at Teknolohiya Inh. Mario G. Montejo 30 Hunyo 2010
Kagawaran ng Repormang Pansakahan
Department of Agrarian Reform
DAR Kalihim ng Repormang Pansakahan Virgilio R. De Los Reyes 30 Hunyo 2010
Kagawaran ng Turismo
Department of Tourism
DOT Kalihim ng Turismo Ramon R. Jimenez, Jr. 2 Setyembre 2011
Kagawaran ng Kalakalan at Industriya
Department of Trade and Industry
DTI Kalihim ng Kalakalan at Industriya Gregory L. Domingo 30 Hunyo 2010
Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Kayamanan
Department of Environment and Natural Resources
DENR Kalihim ng Kapaligiran at Likas na Yaman Ramon J. P. Paje 30 Hunyo 2010
Kagawaran ng Enerhiya
Department of Energy
DOE Kalihim ng Enerhiya Carlos Jericho L. Petilla 5 Nobyembre 2012
Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon
Commission on Higher Education
CHED Tagapangulo ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon Patricia B. Licuanan 30 Hunyo 2010

Mga opisyal na may Antas-Gabinete[baguhin | baguhin ang batayan]

May iilang mga posisyon sa ilalim ng tagapagpaganap na may antas-Gabinete, ngunit hindi sila mga kalihim ng mga kagawarang tagapagpaganap, na nangangahulugang maaari silang dumalaw sa mga pagtitipon ng Gabinete para sa mga natatanging dahilan. Ito ay ang mga sumusunod:

Kagawaran Daglat Tanggapan Namamahala Naninilbihan mula
Pambansang Pangasiwaan sa Kabuhayan at Pagpapaunlad
National Economic and Development Authority
NEDA Direktor-Heneral ng Pambansang Pangasiwaan sa Kabuhayan at Pagpapaunlad Arsenio M. Balisacan 13 Mayo 2012
Pampanguluhang Tanggapan sa Pagpapaunlad ng Komunikasyon at Pagpaplanong Estratehiko
Presidential Communications Development and Strategic Planning Office
PCDSPO Kalihim ng Pampanguluhang Tanggapan sa Pagpapaunlad ng Komunikasyon at Pagpaplanong Estratehiko Ramon A. Carandang 30 Hulyo 2010
Pampanguluhang Tanggapan sa Pagpapatakbo ng Komunikasyon
Presidential Communications Operations Office
PCOO Kalihim ng Pampanguluhang Tanggapan sa Pagpapatakbo ng Komunikasyon Herminio B. Coloma, Jr. 30 Hulyo 2010
Pambansang Sangguniang Panseguridad
National Security Council
NSC Pambansang Tagapayong Panseguridad Cesar P. Garcia, Jr. 9 Hulyo 2010
Tanggapan ng Kalihim ng Gabinete
Office of the Cabinet Secretary
OCS Kalihim ng Gabinete Jose Rene D. Almendras 5 Nobyembre 2012
Pamunuan ng Pampanguluhang Pamamahala
Presidential Management Staff
PMS Pinuno ng Pamunuan ng Pampanguluhang Pamamahala Julia Andrea R. Abad 30 Hunyo 2010
Tanggapan ng Tagausig Panlahat
Office of the Solicitor General
OSG Pinuno ng Pampanguluhang Pamamahala Francis H. Jardeleza 6 Pebrero 2012
Tanggapan ng Punong Tagapayo ng Pangulo sa Batas
Office of the Chief Presidential Legal Counsel
OCPLC Punong Tagapayo ng Pangulo sa Batas Eduardo V. De Mesa 30 Hunyo 2010
Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila
Metropolitan Manila Development Authority
MMDA Tagapangulo ng Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila Francis N. Tolentino 30 Hunyo 2010
Pambansang Komisyon sa mga Pilipinong Muslim
National Commission on Muslim Filipinos
NAPC Tagapangulo ng Pambansang Komisyon sa mga Pilipinong Muslim Mehol K. Sadain 15 Abril 2012
Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Mindanao
Mindanao Development Authority
MinDA Tagapangulo ng Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Mindanao Luwalhati R. Antonino 15 Setyembre 2010
Pambansang Komisyon Laban sa Kahirapan
National Anti-Poverty Commission
NAPC Punong Tagapagtanghal ng Pambansang Komisyon Laban sa Kahirapan Jose Eliseo M. Rocamora 20 Setyembre 2010
Tanggapan ng Tagapayo ng Pangulo sa Prosesong Pangkapayapaan
Office of the Presidential Adviser on Peace Process
OPAPP Tagapayo ng Pangulo sa Prosesong Pangkapayapaan Teresita Quintos-Deles 30 Hunyo 2010
Tanggapan ng Tagapamagitan ng Pangulo sa Lehislatura
Presidential Legislative Liaison Office
PLLO Pinuno ng Tanggapan ng Tagapamagitan ng Pangulo sa Lehislatura Manuel N. Mamba 20 Pebrero 2012
Tanggapan ng Tagapayong Pampolitika
Office of the Political Adviser
OPA Tagapayong Pampolitika Ronaldo M. Llamas 17 Enero 2011

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]


Mga kaugnayang palabas[baguhin | baguhin ang batayan]