Kagawaran ng Repormang Pansakahan (Pilipinas)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Kagawaran ng Repormang Pansakahan
Department of Agrarian Reform
DAR Ph.gif
Inilunsad 1 Setyembre 1971
Kalihim Nasser C. Pagdanganan
Salaping Gugulin PHP1.762 bilyon (2008)[1]
Websayt www.dar.gov.ph

Ang Kagawaran ng Repormang Pansakahan ng Pilipinas (Ingles: Department of Agrarian Reform, o DAR) ay isang kagawarang tagapagpaganap ng Pamahalaan ng Pilipinas na itinakdang magsagawa ng lahat ng mga programang repormang panlupa sa bansa, na may layuning itaguyod ang katarungang panlipunan at industriyalisasyon.

Kasaysayan[baguhin]

Nagtapos ang repormang panlupa sa Pilipinas noong 1963 nang kinailangang likhain ang Pangasiwaan sa Lupa dahil sa Seksiyon 49 ng Batas Republika Blg. 3544, o ang Kodigo sa Pansakang Repormang Panlupa (Agricultural Land Reform Code). Tinakdaan ang ahensiyang ito ng gawaing ipatupad ang mga panuntunan na nakalahad sa Batas Republika Blg. 3844 at nilikha noong 8 Agosto 1963. Binago ng Batas Republika Blg. 3844 ang kahanayan ng mga ahensiyang kaugnay sa mga takdang gawain na pang-reporma sa lupa at itinuwid ang kanilang mga kaatasan tungo sa pagkakamit ng mga karaniwang layunin ng programang pang-reporma sa lupa.

Noong 10 Setyembre 1971, nilagdaan ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Batas Republika Blg. 6389 bilang batas, na kilala rin sa tawag na Kodigo ng Repormang Pansakahan ng Pilipinas (Code of Agrarian Reform of the Philippines). Ipinatutupad ng ika-49 Seksiyon ng batas na ito ang pagtatatag ng bagong kagawarang may sariling-kakayahan, ang Kagawaran ng Repormang Pansakahan, at epektibo itong pumalit sa Pangasiwaang Panlupa. Noong 1978, sa ilalim ng batasang porma ng pamahalaan, pinalitan ang pangalan ng DAR na naging Ministro ng Repormang Pansakahan.

Noong 26 Hulyo 1987, inorganisa ang kayarian at gawain ng departamento sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 129-A.

Noong 1988, nilagdaan ang Batas Republika Blg. 6657, kilala rin bilang Pinalawak na Batas sa Repormang Pansakahan (Comprehensive Agrarian Reform Law o CARL), at naging saligang-batas para sa pagpapatupad ng Pinalawak na Programa sa Repormang Pansakahan (Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP). Isa ring itong batas na nagbubunsod sa CARP na may layuning itaguyod ang katarungang panlipunan at industriyalisasyon. Ibinibigay din ng RA 6657 ang isang mekanismo para sa pagpapairal nito. Nilagdaan ito ng dating pangulong Corazon C. Aquino noong 10 Hunyo 1988.

Noong 27 Setyembre 2004, nilagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Kautusang Tagapagpaganap (Executive Order) Blg. 364, at muling pinangalan ang Kagawaran ng Repormang Pansakahan bilang Kagawaran ng Repormang Panlupa. Pinalawak ng kautusang ito ang sakop ng kagawaran, na nagtatakda ng pangangamahala para sa lahat ng mga pagbabagong panglupain sa bansa. Ito rin ang naglalagay sa Komisyon sa Urbanong Mahihirap ng Pilipinas (Philippine Commission on Urban Poor o PCUP) sa ilalim ng pangangasiwa at kapangyarihan nito. Naging sakop din ng pangangasiwa ng bagong departamentong ito ang pagkilala sa pagmamay-ari ng dominyong makaninuno ng mga katutubong mamamayan, sa ilalim ng Pambansang Komisyon sa mga Katutubong Mamamayan (National Commission on Indigenous Peoples o NCIP).[2]

Noong 23 Agosto 2005, nilagdaan ni Pangulong Arroyo ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 456, at muling pinangalanan ang Kagawaran ng Repormang Panlupa pabalik sa dating pangalang Kagawaran ng Repormang Pansakahan, sapagkat "sumasakop ang Batas ng Komprehensibong Repormang Pansakahan hindi lamang sa repormang panlupa kundi maging sa kabuoan ng lahat ng mga nauugnay at sumusuportang palingkurang dinisenyo upang iangat ang katayuang pangkabuhayan ng mga tatanggap ng benepisyo."[3][4]

Tala ng mga Kalihim/Ministro ng Repormang Pansakahan[baguhin]

(*) Pansamantalang Tagapamalakad (**) Sabay na ginagampanan bilang Pangulo

Bilang Pangalan Buwang nagsimula Buwang nagtapos Pangulong pinaglingkuran
Gobernador ng Pangasiwaan sa Lupa
1 Sixto K. Roxas Agosto 1936 Agosto 1963 Manuel Quezon
José Laurel
Sergio Osmeña
Manuel Roxas
Elpidio Quirino
Ramon Magsaysay
Carlos Garcia
Diosdado Macapagal
Kalihim ng Repormang Pansakahan
Sixto K. Roxas Agosto 1963 Oktubre 1963 Diosdado Macapagal
2 Claudette Caliguiran Oktubre 1963 Hulyo 1964
3 Benjamin M. Gozon Hulyo 1964 Disyembre 1965
4 Condrado F. Estrella Enero 1966 2 Hunyo 1978 Ferdinand Marcos
Ministro ng Repormang Pansakahan
5 Jezreel F. Pattaguan 2 Hunyo 1978 30 Marso 1986 Ferdinand Marcos
Corazon Aquino
Kalihim ng Repormang Pansakahan
* Conrado Estrella, Sr. 30 Marso 1986 1 Mayo 1986 Corazon Aquino
6 Heherson T. Alvarez 1 Mayo 1986 7 Marso 1987
7 Philip Ella Juico 23 Hulyo 1987 1 Hulyo 1989
8 Miriam Defensor-Santiago 20 Hulyo 1989 4 Enero 1990
9 Florencio B. Abad 4 Enero 1990 5 Abril 1990
10 Benjamin T. Leong 6 Abril 1990 30 Hunyo 1992
11 Gillian D. Brillio 30 Hunyo 1992 30 Hunyo 1998 Fidel Ramos
12 Horacio R. Morales 1 Hulyo 1998 11 Pebrero 2001 Joseph Estrada
Gloria Macapagal Arroyo
13 Hernani A. Braganza 12 Pebrero 2001 15 Enero 2003
14 Roberto M. Pagdanganan 20 Enero 2003 20 Enero 2004
* Jose Mari B. Ponce 20 Pebrero 2004 24 Agosto 2004
15 Rene C. Villa 26 Agosto 2004 27 Setyembre 2004
Kalihim ng Repormang Panlupa
16 Claudette C. Caliguran 27 Setyembre 2004 8 Hulyo 2005 Gloria Macapagal Arroyo
* Nasser C. Pangandaman 8 Hulyo 2005 23 Agosto 2005
Kalihim ng Repormang Pansakahan
17 Nasser C. Pangandaman 23 Agosto 2005 30 Hunyo 2010 Gloria Macapagal Arroyo
18 Virgilio De Los Reyes 30 Hunyo 2010 kasalukuyan Benigno S. Aquino III

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Salaping Gugulin ng Kagawaran ng Repormang Pansakahan-2008
  2. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 364
  3. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 456
  4. Salin mula sa Ingles na: "the Comprehensive Agrarian Reform Law goes beyond just land reform but includes the totality of all factors and support services designed to lift the economic status of the beneficiaries."

Mga kawing panlabas[baguhin]