Pumunta sa nilalaman

Enrique Iglesias

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Enrique Iglesias
Kabatiran
Pangalan noong ipinanganakEnrique Miguel Iglesias Preysler
Kapanganakan (1975-05-08) 8 Mayo 1975 (edad 49)
Madrid, Spain[kailangan ng sanggunian]
PinagmulanMiami, Florida, United States
TrabahoSinger-songwriter, actor, model, record producer
InstrumentoVocals, Guitar
Taong aktibo1994–present
AsawaAnna Kournikova Iglesias (m.2002-present)
Websiteenriqueiglesias.com

Si Enrique Miguel Iglesias Preysler (kapanganakan 8 Mayo 1975), na mas kilala sa pangalang pangtahalan na Enrique Iglesias ay isang mang-aawit,tagasulat ng kanta at artista mula sa bansang Espanya. Siya ay bunsong anak nina Julio Iglesias Sr. na isa ring mang-aawit at Isabel Preysler, isang Pilipinang mamamahayag. Sinimulan ni Iglesias ang kanyang karera sa pagkanta noong gitnang dekada nobenta sa Amerikano-Espanyol na wikang record label Fonovisa na gumawa sa kanyang isa sa pinakamalaking star sa Latin Amerika at Hispanic Market sa Estados unidos. Matagumpay siyang nakatawid sa mainstream market at lumagda ng isang multi-album deal sa Universal Music Group para sa US $48,000,000. Ang Universal Music Latino ang naglabas ng kanyang mga Spanish albums at ang Interscope ang naglabas ng kanyang English albums. Noong 2010, umalis siya sa Interscope at lumagda sa Universal Music Group label, Universal Republic.

Si Iglesias ay nakapagbenta ng higit 100 milyong unit sa buong na gumagawa sa kanyang ang isa sa pinakabumentang nagsasalita ng Espanyol na artist sa lahat ng panahon.[1] Siya ay nagkaroon ng limang Billboard Hot 100 top five single kabilang ang dalawang number one at nagproduce ng 23 number one single sa wikang Espanyol sa Billboard's Hot Latin Tracks. Nagkaroon rin siya ng 13 kantang number-one sa Billboard's Dance charts kesa sa sinumang single male artist.[2] Sa kabuuan, si Iglesias ay nakalikom ng higit sa 70 number one ranking sa iba't ibang mga Billboard charts.[3] Tinawag siya ng Billboard na The King of Latin Pop at The King of Dance.

Si Iglesias ay ipinanganak sa Madrid, Espanya at ikatlo at bunsong anak ng mang-aawit na si Julio Iglesias at socialite sa Espanya at magazine journalist na Pilipinong si Isabel Preysler. Ang kanyang mga magulang ay nagdiborsiyo noong 1979.

Noong 1986, ang lolo ni Iglesias na si Dr. Julio Iglesias Puga, ay kinidnap ng armadong grupong teroristang Basque na ETA. Siya at kanyang kapatid na si Julio Iglesias, Jr., ay ipinadala ng kanilang ama sa Miami,Florida para sa kanilang kaligtasan. Siya ay tumira rin sa Belgrade, Serbia ng isang taon kasama ng kanyang ina.

Noong 12 Hulyo 1995, inilabas ni Iglesias ang kanyang koleksiyon ng mga rock ballad kabilang ang "Si Tú Te Vas", "Experiencia Religiosa", at iba pa. Ito ay bumenta ng kalahating milyong kopya sa unang linggo at tatlong milyon sa sumunod na tatlong buwan. Ang CD ay isinalin sa mga wikang Italyano at Portuges. Ang limang single sa album na "Por Amarte", "No Llores Por Mí", at "Trapecista" ay naguna sa mga Billboard's Latin chart. Ito ay nagpanalo kay Iglesias ng isang Grammy Award para sa Best Latin Pop Performance. Noong 1997, inilabas ni Iglesias ang Vivir (To Live), na kinabibilangan ng cover version ng kanta ng Yazoo na "Only You",na isinalin sa Espanyol na "Solo en Tí". Ang tatlong single na "Enamorado Por Primera Vez", "Sólo en Ti" at "Miente" ay nanguna sa mga Latin singles chart gayundin sa ilang mga bansang nagsasalita ng Espanyol. Kasama ng kanyang ama at Luis Miguel, si Iglesia ay naging nominado para sa American Music Award sa kaunaunahang kategoryang igagawad na Paboritong Latin Artist. Siya ay natalo sa kanyang amang si Julio Iglesias ngunit kumanta siya ng "Lluvia Cae" sa event. Noong 1998, inilabas ni Iglesias ang kanyang ikatlong album na Cosas del Amor (Things of Love). Ang mga single na "Esperanza" at "Nunca Te Olvidaré" ay parehong naguna sa mga Latin singles chart. Siya ay nagwagi sa American Music Award sa kategoryang Paboritong Latin Artist laban kina Ricky Martin at Chayanne. Ang kantang "Nunca te Olvidaré" ay ginamit rin bilang kantang tema ng soap operang Espanyol ng parehong pangalan. Noong 1999, sinimulang tumawid ni Iglesias sa English language music market. Pagkatapos ng pagdalo ni Will Smith sa isa sa kanyang mga konsiyerto noong 1999, hiniling ni Smith na magambag si Iglesias ng soundtrack para sa pelikulang Wild Wild West. Ang kanyang ambag na "Bailamos" ay inilabas bilang single at naging number one hit sa Estados Unidos. Siya ay lumagda ng multialbum deal sa Interscope at naglabas ng kanyang unang buong CD sa English na Enrique. Ito ay naglalaman ng "Rhythm Divine", isang duet kay Whitney Houston na "Could I Have This Kiss Forever" at isang cover ng kanta ni Bruce Springsteen na "Sad Eyes". Noong 2001, inilabas ni Iglesias ang kanyang ikalawang English language album Escape. Ang single nitong "Hero" ay naging number one hit sa UK at maraming bansa. Noong 2002, naglabas siya ng ikaapat na wikang Espanyol na album na Quizás (Perhaps). Ang album ay nagdebut ng number 12 sa Billboard 200 albums chart. Ang Quizás ay naibenta ng isang milyong kada linggo na gumawa ritong ang pinakamabilis na bumentang album sa Espanyol sa limang taon. Ang tatlong single ay nanguna sa Latin Chart na nagbigay sa kanyan ng kabuuang 16 number one sa chart. Inilabas niya ang kanyang ikapitong album noong 2003 na 7, na ikalawang kapwa isinulat ni Iglesias. ang kanyang album Insomniac ay inilabas noong 12 Hunyo 2007. Noong 5 Hulyo 2010, inilabas ni Iglesias ang kanyang ikasiyam na studio album na Euphoria sa ilalim ng Universal Republic. Ang album ang unang bilingual album ni Iglesia na may pitong orihinal na kantang English at anim na orihinal na Espanyol. Ang album ay nanalo ng Billboard Music Award para sa Top Latin Album, Billboard Latin Award para sa Latin Album of the Year and Latin Pop Album of the Year at nanominate sa Latin Grammy Award para sa Album of the Year. Ang unang English single na "I Like It" kasama ni Pitbull ay inilabas noong Mayo 3,2010 sa Estados Unidos at umabot na number 4 sa Billboard Hot 100. Noong 25 Agosto 2012, inilabas niya ang kanyang bagong single na I "Finally Found You" na kolaborasyon sa rapper na si Sammy Adams.

Taon Pelikula Papel Notes
1997 Fools Rush In "Si Tu Te Vas" Soundtrack
1999 Wild Wild West "Bailamos" Soundtrack
Nominated – Blockbuster Entertainment Award for Favorite Song from a Movie
2000 2000 Teen Choice Awards Himself Host
2001 I Love the New Millennium "Hero" Soundtrack
Smallville: "Craving"
2003 Scrubs: "My Friend the Doctor"
Once Upon a Time in Mexico Lorenzo Debut in Hollywood
2004 Pepsi Music 2004: Britney Exclusive Evil emperor TV advert
2005 Premios Juventud 2005 Himself Host
2006 Zoom "Hero" Soundtrack
2007 America's Next Top Model, Cycle 9: "The Girls Who Crawl" Himself Special guest
Live with Regis and Kelly Co-host
Dancing with the Stars Musical guest
How I Met Your Mother "Gael" TV guest; 2 episodes: "Wait for It" and "We're Not from Here"
Two and a Half Men "Fernando" TV guest
2008 Step Up 2: The Streets "Push" Soundtrack
Rob & Big: "Poop in the Pool" "Do You Know?"
Beverly Hills Chihuahua "Hero"
Lady Godiva
2010 Hot Tub Time Machine
Jersey Shore "I Like It"
2011 The X Factor (U.S.) Himself Guest judge along with Nicole Scherzinger
2012 Glee "Hero" The song "Hero" was covered by Sam Evans and New Direction males as part of a mashup with Bamboléo.
2013 The Voice "Bailamos" The song "Bailamos" was sung by Michael Lynch on Blind Auditions.
  • Vivir World Tour (1997)[4]
  • Cosas Del Amor (1998)
  • Enrique World Tour (2000)
  • One Night Stand Tour (2002)
  • Don't Turn Off The Lights Tour (2002)
  • Seven World Tour (2004)
  • Insomniac World Tour (2007)
  • Greatest Hits Tour (2009)
  • Euphoria Tour (2010–12)
  • Enrique Iglesias & Jennifer Lopez Tour (2012)
  • Enrique Iglesias India Tour (2012)

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Spanish singer Enrique Iglesias has sold more than 100 million records worldwide and is one of the most successful Latin music artists to cross over to the pop charts". Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Agosto 2013. Nakuha noong Nobyembre 11, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Enrique Iglesias Extends Record For Most Latin Airplay No. 1s". Billboard. Nobyembre 19, 2012. Nakuha noong Nobyembre 19, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Enrique Iglesias brings Latino flavor to Puyallup Fair on Sept. 18". Auburn Reporter.com. Hunyo 18, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Vivir World Tour". Ondanet.com. Marso 31, 1997. Nakuha noong Setyembre 4, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)