Pumunta sa nilalaman

Estasyon ng Paco

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Estasyong daangbakal ng Paco)
Paco
Pambansang Daambakal ng Pilipinas
Sa itaas: Harapan ng naunang estasyon.
Sa ibaba: Lugar ng plataporma ng kasalukuyang estasyon.
Pangkalahatang Impormasyon
LokasyonPanulukan ng Abenida Quirino at Kalye Pedro Gil
Paco, Maynila
Pagmamayari ni/ngPambansang Daambakal ng Pilipinas
Linya     Linyang Patimog
     Linyang Kabite (wala na)
Plataporma2 platapormang pagilid
Riles2
Konstruksiyon
Akses ng may kapansananYes
Ibang impormasyon
KodigoPC
Kasaysayan
Nagbukas1908, 1915 (gusali)
Muling itinayo2009
Serbisyo
Huling station   PNR   Susunod station
patungong Tutuban
Metro Commuter
patungong Alabang o Calamba
  (Mga) Dating serbisyo  
patungong Tutuban
Cavite Line
patungong Kabite
Naic Line
patungong Naic

Ang estasyong Paco ay isang estasyon sa Pangunahing Linyang Patimog (South Main Line) ng PNR. Nagsisilbi ito sa Paco, Maynila. Ito ay huling estasyon na nasa tabi ng Abenida Quirino bago kumaliwa ang linya sa Lansangang Pangulong Sergio Osmeña (dating South Superhighway).

Ang estasyong San Andres sa San Andres Bukid ay sumusunod sa estasyong Paco. Ang estasyong Paco ay inunahan ng estasyong Pandacan sa Pandacan. Mayroon ding mga estasyon ng LRT-1 na matatagpuan di-kalayuan mula sa estasyon. Ang mga ito ay Pedro Gil at Quirino. Kinakailangan ito ng pagsakay mula sa estasyong ito upang makarating sa mga nabanggit na estasyon ng LRT.

Ang linyang Manila Belt mula Santa Mesa patungong Paco at ang bahagi ng dating Linyang Kabite patungong Binakayan, Kawit ay binuksan noong Marso 25, 1908. Sinimulan ang pagtatayo ng estasyong Paco noong 1912 at natapos ito pagsapit ng 1915, noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano.[1] Matatagpuan ito noon sa tapat ng Plasa Dilao.

Kalahating giniba ang estasyong Paco noong 1996 ng isang developer na nagsimulang magtayo ng isang gusaling pamilihan (shopping mall) sa tabi nito.[2] Hindi nakompleto ang paggigiba dahil sa pagbawi ng pagtatayo ng gusaling pamilihan, kung kaya nanatiling nakatayo ang harapan ng dating estasyon hanggang ngayon.

Noong 2009, ang lumang estasyon ay pinalitan ng isang bagong estasyon sa kanto ng Abenida Quirino at Kalye Pedro Gil. Noong 2015, pinag-iisipan ng Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon (DOTC) ang ipinapanukalang pagpapanumbalik at pangangalaga ng lumang gusali ng estasyong daangbakal ng Paco.[3] Malugod na tinanggap ng mga tagataguyod ng pamana, kabilang ang Heritage Conservation Society, ang panukala.

Mga kalapit na palatandaang pook

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Malapit ang estasyon sa Plaza Dilao, Pamilihan ng Paco, Simbahan ng San Fernando de Dilao, Paaralang Katoliko ng Paco at Colegio de la Inmaculada Concepcion de la Concordia.

Pagkakaayos ng Estasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
L1
Mga plataporma
Platapormang pagilid; magbubukas ang mga pinto sa kanan
Plataporma A PNR Metro Commuter patungong Tutuban (←)
Plataporma B PNR Metro Commuter patungong Alabang (→)
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
L1 Lipumpon/
Daanan
Takilya, sentro ng estasyon, mga tindahan, Plaza Dilao, Pamilihan ng Paco, Simbahan ng San Fernando de Dilao, Paaralang Katoliko ng Paco, Colegio de la Inmaculada Concepcion de la Concordia

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-10-09. Nakuha noong 2017-08-26.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "My Activeworlds Constructions". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-02-19. Nakuha noong 2017-08-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Palaña, Voltaire (Hunyo 23, 2015). "Paco restoration earns accolades". Manila Times. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 3, 2016. Nakuha noong Pebrero 24, 2016. {{cite news}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)