Ezra Pound

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Si Ezra Pound.

Si Ezra Weston Loomis Pound (Oktubre 30, 1885Nobyembre 1, 1972) ay isang Amerikanong nangibang-bayang makata, manunuri, at intelektuwal, na naging isang pangunahing tao sa kilusang Modernista noong unang hati ng ika-20 daang taon. Malawakang itinuturing siya bilang ang makatang may kagagawan ng pagbibigay kahulugan at pagtataguyod sa isang makabagong estetiko sa panulaan.[1] Sinabi ng manunuring si Hugh Kenner ukol kay Pound nang magtagpo sila na: "Agad kong napag-alamang nasa paligid ako ng gitna ng modernismo.[2][3]

Sa kaagahan ng "kabataan" ng ika-20 daang taon, nagbukas siya ng pagpapalitan ng mga gawa at mga ideya sa pagitan ng mga manunulat na mga Britaniko at mga Amerikano, at naging bantog sa pagiging mapagbigay na ginamit niya sa pagsulong ng mga gawa ng kanyang mga kasabayang sina Robert Frost, William Carlos Williams, Marianne Moore, H. D. (o Hilda Doolittle), Ernest Hemingway, at natatangi na si T. S. Eliot. Nagkaroon din siya ng mabigat na impluho sa mga Irlandes na manunulat na sina W. B. Yeats at James Joyce.

Nagsimula ang kanyang malaking ambag sa panulaan sa pamamagitan ng kanyang pagtataguyod ng Imahismo, isang kilusan sa panulaang humango ng teknika mula sa klasikong panulaang Intsik at Hapones, na nagbibigay ng diin sa kalinawan, katumpakan, at ekonomiya o pagkamatipid sa wika, at pagtatanggal ng nakaugaliang rima o tugmaan at metro, upang  – ayon sa mismong mga pananalita ni Pound  – "makalikha sa loob ng pagkakasunud-sunod ng pariralang matugtugin, hindi na sa pagkakasunud-sunod ng metronoma."[1][4] Tumuon ang kanyang sumunod na panghuling mga gawa, sa loob ng limampung mga taon, sa kanyang The Cantos, isang ensiklopedikong epikong tula.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 Ezra Pound, Poets.org
  2. Salin ng Ingles na: "I suddenly knew that I was in the presence of the center of modernism."
  3. Blume, Harvey. Hugh Kenner: The Grand Tour, Bookwire.com
  4. Salin ng Ingles na: "compose in the sequence of the musical phrase, not in the sequence of the metronome."