Senepa
Itsura
(Idinirekta mula sa Fascia)
Ang senepa[1] (Latin, Kastila, Ingles, Pranses, Aleman, Italyano: fascia, nagiging fasci kung anyong maramihan) ay ang mahimaymay na tisyung pandugtong (Ingles: connective tissue) na nakapailalim sa balat at nakapalibot sa laman (mga masel) o mga organo. Sinusuportahan nito ang ugat pandugo at mga limpa.
Dalawa ang uri ng senepa:
- Paimbabaw o pang-ibabaw na senepa (Ingles: superficial fascia). Ito ay ang tisyung areolar at mga taba na nahihiwalay ng laman sa ugat.
- Malalim na senepa o pang-ilalim na senepa (Ingles: deep fascia). Ito ay ang irregular na dense na tisyung pandugtong na nakapalibot sa mga grupo ng laman na may pare parehong gawain.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya at Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.