Pumunta sa nilalaman

Frozen (pelikula noong 2013)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Frozen
IskripJennifer Lee
Kuwento
  • Chris Buck
  • Jennifer Lee
  • Shane Morris
Haba
102 mga minutos
BansaEstados Unidos
WikaIngles
Badyet$150 milyon

Ang Frozen ay isang animadong pelikulang Amerikano na nasa mga uring abentura at komedya-drama na ginawa ng Walt Disney Animation Studios at inilabas noong 2013 ng Walt Disney Pictures. Isinulat ito ni Jennifer Lee. Base ito sa isang nobela ni Hans Christian Andersen na may pamagat na The Snow Queen (Ang Reyna ng Niyebe). Binosesan ito nina Idina Menzel, Kristen Bell, at Jonathan Groff.

Tampok ang awiting tanyag na "Let It Go" sa soundtrack album nito. Inilabas ang Frozen noong 19 Nobyembre 2013, na may positibong tugon mula sa mga kritiko at nagtagumpay sa takilya, at nakakita ng 1,281,508,100 dolyar ng Estados Unidos kontra sa badyet ng $150 milyon noong patiunang palabas nito sa sine. Dahil sa pagtatagumpay ng pelikula, nasundan ito ng Frozen II na inilabas noong 2019.

Mga boses ng karakter

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Karakter Orihinal na boses (Ingles) Boses sa Tagalog
Elsa Idina Menzel Owen Caling
Anna Kristen Bell Jo Anne Orobia Chua
Kristoff Jonathan Groff Jefferson Utanes
Olaf Josh Gad Maynard Llames
Hans Santiano Fontana Bryan Allan Encarnacion

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pelikula Ang lathalaing ito na tungkol sa Pelikula ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.