Gadareno

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Lehiyon (paglilinaw).
Ang paggagamot ni Hesus sa lalaking Geraseno o Gadareno, na inaalihan ng dimonyong si Lehiyon.

Sa Bagong Tipan ng Bibliya, ang Gadareno[1][2] (Ingles: Gadarene, Gerasene) ay ang katawagan para sa mamamayan ng Gadara o Gerasa, isang pook na nasa silangan ng Look ng Genesaret na kinaroroonan din ng Lawa ng Genesaret. Matatagpuan ang salitang ito sa Mateo 8:28 ng Ebanghelyo ni Mateo, subalit makikita rin sa Ebanghelyo ni Marcos (Marcos 5:1-20) at sa Ebanghelyo ni Lukas (Lucas 8:26-39).[3] Sa Bibliyang Vulgata, tinatawag ang Gadareno bilang Geraseno o isang mamamayan ng[4] ng Gerasa.

Isang kilalang kuwento sa Lumang Tipan ng Bibliya ang hinggil sa mga Gadarenong pinalaya sa pang-aalipin ng mga demonyo[3], na binansagang dimonyong Geraseno, dimonyong Gadareno, o ang dimonyong si Lehiyon, na nagpapahiwatig na "marami" ang bilang ng mga dimonyo sa kuwentong ito.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. "Gadareno", Ebanghelyo ni Mateo (Matthew), Ang Dating Biblia (1905), adb.scripturetext.com
  2. "Gadareno", Mateo 8 (Ang Salita ng Diyos), biblegateway.com
  3. 3.0 3.1 Mga Gadarenong Pinalaya sa Pang-aalipin ng mga Demonyo, Ang Magandang Balita ayon kay Mateo, Buong Bibliya sa wikang Tagalog, AngBiblia.net
  4. Abriol, Jose C.. (2000). "Gadareno, Geraseno". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077., talababa bilang 28, pahina 1442, at talababa 26, pahina 1526.



TaoHeograpiyaBibliya Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Heograpiya at Bibliya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.