Genoveva Edroza Matute
Genoveva Edroza-Matute | |
---|---|
Kapanganakan | 3 Enero 1915 |
Kamatayan | 21 Marso 2009 | (edad 94)
Trabaho | Manunulat |
Nasyonalidad | Filipino |
Kaurian | Maikling kuwento |
(Mga) asawa | Epifanio G Matute |
Si Genoveva Edroza-Matute (3 Enero 1915 – 21 Marso 2009) ay isang bantog na kuwentistang Pilipino. Isa rin siyang guro at may-akda ng aklat sa Balarilang Tagalog, na nagturo ng mga asignaturang Filipino at mga asignaturang pang-edukasyon.
Nagturo siya ng apatnapu’t anim na taon sa elementarya, sekundarya at kolehiyo, at nagretiro bilang Dekana ng Pagtuturo sa Dalubhasaang Normal ng Pilipinas (ngayon ay Pamantasang Normal ng Pilipinas) noong 1980. Pinarangalan siya ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas ng Gawad CCP Para sa Sining (Panitikan) noong Pebrero 1992
Maraming ulit siyang nagkamit ng Gawad Palanca, tulad ng kilalang Kuwento ni Mabuti, na nanalo ng kauna-unahang Gawad Palanca para sa Maikling Kuwento sa Filipino. Kasama rin sa mga kuwentong nanalo ng Gawad Palanca ay ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata noong 1955, at ang Parusa noong 1961.
Ilan sa mga naging aklat niya ay ang Mga Piling Maiikling Kuwento ng Ateneo University Press; ang Tinig ng Damdamin, katipunan ng kanyang mga piling sanaysay, ng De La Salle University Press; at ang Sa Anino ng EDSA, maiikling kuwentong sinulat niya bilang National Fellow for Fiction, 1991–1992, ng U.P. Press.
Namatay siya noong 21 Marso 2009 sa edad na 94.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Genoveva E. Matute, Tagalog writer; 94 Naka-arkibo 2009-03-26 sa Wayback Machine., Philippine Daily Inquirer, 24 Marso 2009