Ilustrado
Ang ilustrado ay isang salitang Pilipino at Kastila na may kahulugang "isang taong nakabatid ng kalinawan at kaliwanagan".[1] Nakaaangat sa lipunan ang mga ilustrado ng Pilipinas noong kapanahunan ng mga Kastila. Sila ang mga panggitnang-klase mamamayan na nakapag-aral at nabantad sa mga ideya ng liberalismo at nasyonalismo mula sa Europa. Naghangad ng "mas makataong kasunduang pampulitika at pang-ekonomiya" ang mga Pilipinong ilustrado sa ilalim ng mga Kastila. Sa kaniyang In Our Image: America's Empire in the Philippines (Sa Wangis Natin: Ang Imperyo ng Amerika sa Pilipinas), tinawag ni Stanley Karnow ang mga ilustrado bilang mga "mayayamang grupo ng mga marurunong" (rich intelligentsia) sapagkat ang mga ito ay mga anak ng mga maykayang nagmamay-ari ng lupa. Ikinalat nila ang ideya ng nasyonalismo sa Pilipinas.[1][2][3][4][5][6]
Mga nilalaman |
[baguhin] Adhikain ng mga ilustrado
Sina Graciano López Jaena, Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce, Antonio Luna at José Rizal, ang bayaning pang-nasyonal ng Pilipinas, ang mga pinaka-kilala sa mga ilustrado. Sa pamamagitan ng mga nobelang Noli Me Tangere (Huwag Mo Akong Salingin) at El Filibusterismo (Ang Subersibo), naipakita ni Rizal sa mundo ang karahasang dinaranas ng mga Pilipino sa ilalim ng mga Kastila.[5][7]
Sa simula, hindi ibig ni Rizal at ng kaniyang mga kasamang ilustrado na magkamit ng kalayaan ang Pilipinas mula sa Espanya, sa halip ay gusto nilang magkaroon ng legal na pagkakapantay-pantay ang mga Pilipino at ang mga Kastila ng kolonya. Kasama sa mga hinihiling na pagbabagong pampulitika, pang-pananampalataya at pang-ekonomiya ng mga ilustrado na "ang Pilipinas ay magkaroon ng representasyon sa parliyamento at maging probinsiya ng Espanya, at ang sekularisasyon ng mga parokya".[6][7]
Subalit noong 1872, lumakas ang adhikaing nasyonalismo nang ginarote ng mga makapangyarihang Kastila ang tatlong paring Pilipino dahil sa "bintang na pamumuno ng rebelyong militar sa Cavite, malapit sa Maynila". Ang pangyayari at iba pang mga mapang-aliping gawain at ikinagalit ng mga ilustrado.[6] Dahil sa kaniyang mga isinulat at mga gawain, si Rizal ay binaril ng mga Kastila noong ika-30 ng Disyembre, 1896. Ang pagbaril kay Rizal ng nagbunsod sa mga ilustrado na mag-alsa laban sa Espanya. Ito rin ang naging sanhi ng pagkakaroon ng pagkakaisa ng mga ilustrado ng mga katipunero ni Andres Bonifacio.[6]
[baguhin] Katayuang sosyal sa ilalim ng mga Amerikano
Pinatibay ng mga alituntuning pang-Pilipinas ng mga Amerikano ang mataas na katayuan ng mga ilustrado sa loob ng lipunang Pilipino. Ang lupa na dating pag-aari ng mga prayle ay ipinagbili sa mga ilustrado at ang karamihan sa mga posisyon sa gobiyerno ay inalok sa mga ito.[6] Sila din ang mga taong maaaring makipagtalik o makapag-asawa sa mga Kastila.[kailangan ng sanggunian]
[baguhin] Mga talasanggunian
[baguhin] Mga talababa
- ↑ 1.0 1.1 Glossary: Philippines, Area Handbook Series, Country Studies, Federal Research Division, Library of Congress, LOC.gov (undated), retrieved on: July 30, 2007
- ↑ Grimsley, Mark. Ang Digmaan sa Pilipinas: 1899-1902, Ohio-State.edu, 1993, 1996, isinangguni noong: Agosto 1, 2007
- ↑ Karnow, Stanley. In Our Image: America’s Empire in the Philippines (Sa Wangis Natin: Ang Imperyo ng Amerika sa Pilipinas), Ballantine Books, Random House, Inc., March 3 1990, may 536 na mga dahon, dahon 15. - ISBN 0-345-32816-7
- ↑ Ang Pag-bangon ng mga Nasa Gitnang-Antas ng Lipunan sa Pilipinas (Ang mga Ilustrado), Mega Essays LLC, MegaEssays.com, 2007, isinangguni noong: Agosto 1, 2007
- ↑ 5.0 5.1 Pilipinas: Ang Kolonya ng Espanya, Artikulong Pang-estudyante mula sa isang Ensiklopedya, Encyclopaedia Britannica Online, Encyclopaedia Britannica, Inc., Britannica.com, isinangguni noong: Agosto 1, 2007
- ↑ 6.0 6.1 6.2 6.3 6.4 Ang Kasaysayan ng Pilipinas, Embahada ng Republika ng Pilipinas, Department of Foreign Affairs, PhilippineEmbassy-USA.org (walang petsa), isinangguni noong: Agosto 1, 2007
- ↑ 7.0 7.1 Salvador, Fr. Emerson, Liberalismo sa Pilipinas, Ang Rebolusyon ng 1898: Ang Mga Tunay na Kaganapan, Liham-Balita Mula sa Distrito ng Asya, Lipunan ni Santo Pio X, Distrito ng Asya, Enero - Marso 2002, isinangguni noong: Agosto 1, 2007
[baguhin] Bibliyograpiya
- Republika ng Pilipinas, Korporasyong Microsoft, Encarta.MSN.com, 2007, isinangguni noong: Agosto 1, 2007
- Mga Lumisan, Inang-Bayan at Pagbabagong Panlipunan, Diyaryo ng Paglisan mula sa Asya at Pasipiko (Bibliyograpiya), Volume 8, Labas 1-2, SMC.org.ph, (walang petsa), isinangguni noong: Agosto 1, 2007
- Owen, Norman G., Kolonyalismong Pang-Kompadre: Pag-aaral sa Plipinas sa Ilalim ng mga Amerikano, Isang Pagtalakay ni Theodore Friend, Diyaryo ng Pag-aaral ng Asya, Vol. 32, Blg. 1 (Nob. 1972), pp. 224-226, JSTOR.org, 2007, isinangguni noong: Agosto 1, 2007
- Majul, Cesar A. Ang mga Ideyang Pampulitika at Pang-Konstitusyon ng Rebolusyong Pilipino, Isang Pagtalakay ni R. S. Milne, Kaganapang Pam-Pasipiko, Vol. 42, Blg. 1 (Tagsibol, 1969), dahon 98-99, JSTOR.org, 2007, isinangguni noong: Agosto 1, 2007
- Ang Proklamasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas at ang Pagsilang ng Republika ng Pilipinas, Ang Sityo ng Kasaysayan ng Pilipinas, OpManong.SSC.Hawaii.edu (walang petsa), isinangguni noong: Agosto 1, 2007
- Rossabi, Amy. Ang Ugat ng mga Hakbang Panglipunan sa Pilipinas mula sa Panahon ng Kolonyalismo, Volume 11, Bilang 1, Taglagas 1997, Ang Diyaryo ng Batas sa Asya, Columbia.edu, isinangguni noong: Agosto 1, 2007
- Nasyonalismong Pilipino, AngelFire.com (walang petsa), isinangguni noong: Agosto 1, 2007
- Veneracion, Jaime B., Ph. D. (Propesor ng Kasaysayan, Pamantasan ng Pilipinas at Bumibisitang Propesor, BSU), Ang Madrid ni Rizal: Ang Pinag-ugatan ng Ideya ng Kalayaan ng mga Ilustrado, Diyaryo Bulakenya, Bahay Saliksikan ng Bulakan (Center for Bulacan Studies), Geocities.com, April 4, 2003, isinangguni noong: Agosto 1, 2007
- Kasaysayan ng Pilipinas, Pundasyon para sa mga Kabataang Pilipino, PhilippineChildrensFoundation.org, 2005, isinangguni noong: Agosto 1, 2007