Ivatan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang mga Ivatan ay isang pangkat-etniko sa Pilipinas. Matatagpuan lamang sila sa tatlo sa sampung islag bumubuo sa Batanes-a ng Itbayat, Batan, at Sabtang.

Pagsasaka at pangingisda ang pangunahin nilang ikinabubuhay. Ang mga produkto nila ay mga halamang-ugat tulad ng patatas, gabi, kamote, ube, at bawang. Nagluluwas din naman sila ng baka at bawang.

Naniniwala ang mga ivatan sa ilang pamahiin. Ayon sa kanila, ang kaluluwa ng mayayaman ay napupunta sa langit at nagging bituin, samantalang ang mahihirap ay gumagala sa mundo bilang mga espiritu. Naniniwala rin sila sa kabilang buhay kaya pinababaunan nila ang kanilang mga patay ng ilang kagamitan.

Ang mga Ivatan ay naninirahan sa mga bahay bato, kung saan protektado sila mula sa ulan, init, hangin at iba pang maaring panganib na dala ng 2 panahon sa Pilipinas.



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.