Januarius

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Si San Januarius, San Genaro, o San Gennaro (? - 305?) ay isang Italyanong santo, martir, at obispo. Naging martir siya noong panahon ng pamumuno ni Diocleciano. Siya ang pintakasi o patrong santo ng Napoles. Nasa Napoles ang pinireserbang mga relika o labi na pinaniniwalaang kanya. Paulit-ulit na nagiging likido ang namuong dugong nakalagay sa loob ng isang plask kapag dinalang malapit sa bustong pilak na pinaniniwalaang naglalaman ng ulo ni San Genaro. Isa itong pangyayaring hindi pa naipapaliwanag sa pamamagitan ng likas na mga kasanhian.[1]

Mga sanggunian[baguhin]