Kadalasan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang dalasan, kadalasan, dalas, kalimitan, limit,[1] dalang, lagi, o apura[2] (Ingles: frequency) ay ang bilang ng ulit ng pagbalik-balik, pagkakaulit-ulit, o repetisyon ng iisang pangyayari sa loob ng nakalaang dami ng panahon o oras, tulad ng bilang ng mga siklo o pag-inog ng isang segundo. Sa pisika, ang kadalasan ng isang alon ay ang bilang ng tuktok o rurok ng alon na dumaraan sa isang tuldok o punto sa loob ng isang segundo. Ang tuktok ng alon ay ang tugatog o kasidhian ng alon. Ang Hertz (sinasagisag ng Hz) ay ang yunit ng kadalasan.

Ang ugnayan o relasyon ng kadalasan at ng haba ng alon ay isinasaad ng pormulang:

f = v/\lambda

kung saan ang v ay ang tulin at \lambda (Lambda) ay ang haba ng alon. Ang pormula para sa kadalasan ng alon ng liwanag ay f = c/\lambda kung saan ang c ay ang tulin ng liwanag. [3]

Ang lahat ng mga elektromagnetikong alon ay naglalakbay sa tulin ng liwanag sa loob ng isang bakyum (kawalan o kahungkagan) subalit naglalakbay silang mas mabagal na tulin kapag naglalakbay sila sa isang midyum na hindi isang bakyum. Ang ibang mga alon, katulad ng mga alon ng tunog, ay naglalakbay sa mas mababagal pa lalong mga tulin at hindi makapaglalakbay sa pamamagitan ng pagdaan o paglagos sa isang bakyum. Mga halimbawa ng mga along elektromagnetiko ang mga alon ng liwanag, mga along radyo, radyasyon inpra-pula, mga mikro-alon, at mga along gamma o rayong gamma (silahis na gamma o sinag na gamma).

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Gaboy, Luciano L.. "Frequency". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Blake, Matthew. (2008). "Frequency". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.
  3. ""Frequency of a wave"". Science Scope. http://www.sciencescope.co.uk/frequency_of_a_wave.htm. Hinango noong 2009-03-04. 


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.