Pumunta sa nilalaman

West Virginia

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kanlurang Virginia)
West Virginia
BansaEstados Unidos
Bago naging estadoVirginia
Sumali sa UnyonHunyo 20, 1863 (35)
KabiseraCharleston
Pinakamalaking lungsodCharleston
Pinakamalaking kalakhan at urbanong lugarCharleston metro area
Pamahalaan
 • GobernadorJim Justice
 • Gobernador TinyenteMitch Carmichael
LehislaturaWest Virginia Legislature
 • Mataas na kapulunganSenate
 • [Mababang kapulunganHouse of Delegates
Mga senador ng Estados UnidosJoe Manchin (D)
Shelley Moore Capito (R)
Delegasyon sa Kamara ng Estados Unidos1: David McKinley (R)
2: Shelley Moore Capito (R)
3: Nick Rahall (D)
Populasyon
 • Kabuuan1,852,994 (2,010 Census)
 • Kapal75.1/milya kuwadrado (29.0/km2)
 • Panggitnang kita ng sambahayanan
$38,029
 • Ranggo ng kita
48th
Wika
 • Opisyal na wikanone (de facto English)
Latitud37° 12′ N to 40° 39′ N
Longhitud77° 43′ W to 82° 39′ W

Ang West Virginia / west ver·jin·ya / ay isang estado ng Estados Unidos sa matatagpuan sa rehiyong Appalachian ng Estados Unidos. Kahangganan nito ang Virginia sa timog-silangan, Kentucky sa timog-kanluran, Ohio sa hilagang-kanluran, Pennsylvania sa hilaga, at Maryland sa hilagang-silangan. Ika-41 ang West Virginia sa lawak ng nasasakupan, habang ika-38 sa pinakamatao sa 50 estado ng Estados Unidos. Charleston ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito.

Naging estado ang West Virginia kasunod ng Wheeling Conventions ng 1861, kung saan ang 50 hilagang-kanlurang counties ng Virginia ay nagpasiyang humiwalay sa Virginia noong Digmaang Sibil Amerikano. Tinanggap ang bagong estado sa Unyon noong Hunyo 20, 1863, at naging mahalagang estado noong Digmaang Sibil. Tanging ang West Virginia lamang ang estadong naitatag sa pamamagitan ng paghiwalay mula sa isang Confederate state at isa sa dalawang estado itinatag noong Digmaang Sibil Amerikano (ang isa ay ang Nevada na humiwalay sa Utah Territory).


Estados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.