Karahasan laban sa kababaihan
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ginagamit ang taguring karahasan laban sa kababaihan, na nakikilala sa Ingles bilang violence against women (VAW), upang tukuyin ang lahat ng uri ng karahasang ginagawa laban sa kababaihan. Masasabing isa itong krimeng bunga ng poot o pagkasuklam dahil tinatarget nito ang isang partikular na grupo na ang kasarian ng biktima ang pangunahing motibo. Ang uri ng karahasang ito ay nakabatay sa kasarian. Nangangahulugang ang karahasan ay ginagawa laban sa kababaihan sa malinaw na dahilang sila ay babae o bilang resulta ng pagkilala sa kalalakihan bilang mas nakatataas sa lipunan. Sinasabi ng UN Declaration on the Elimination of Violence Against Women na:
“Ang karahasan laban sa kababaihan ay isang patunay na hindi pantay ang turing noon pa man sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan” at na “isa sa mga mapanganib na pamamaraan sa lipunan ang karahasan laban sa kababaihan kung saan sapilitang nalalagay sa mas mababang posisyon ang babae kaysa sa mga lalaki. ”
Ideniklara ni Kofi Annan, ang Kalihim-panlahat ng Estados Unidos, sa isang ulat noong 2006 na matatagpuan sa websayt ng United Nations Development Fund for Women (UNIFEM) na:
Nangyayari sa buong daigdig ang karahasan laban sa kababaihan. Wala itong pinipiling lipunan o kultura. Isa sa bawat tatlong babae sa buong mundo ay masasabing nabugbog, pinilit sa pakikipagtalik, o kaya naman ay minaltrato sa tanan ng kanyang buhay na ang umaabuso ay madalas kilala ng biktima.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.