Karaniwang sipon

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Karaniwang sipon
Klasipikasyon at panlabas na mga napagkunan
Isang representasyon ng ibabaw ng molekula ng isang baryante ng rhinovirus.
ICD-10 J00.{{{3}}}
ICD-9 460
DiseasesDB 31088
MedlinePlus 000678
eMedicine med/2339
MeSH D003139

Ang sipon o karaniwang sipon (Ingles: common cold, colds) ay ang karaniwang dulot ng iba't ibang mga uri ng birus, alerhiya, pagbabago ng panahon, at pagiging malamig ng panahon.[1]

Mga lunas[baguhin | baguhin ang batayan]

Kabilang sa mga panlunas at paggamot sa karaniwang sipon ang pag-inom ng maraming tubig, katas ng kalamansi o iba pang uri ng narangha, mga sabaw na mainit at salabat. Nakakabawas ng konhestiyon o pagbabara ng ilong at ng lalamunan ang pag-inom ng ganitong mga uri ng pluwido. Hindi iminumungkahi ang pag-inom ng alak, kape, at sopdrinks dahil sa nakapagpapalala ang mga ito ng kakulangan sa tubig ng katawan. Nakakatulong din sa pagtanggal ng sipon ang pagmumumog ng tubig na may asin, na nakakatulong sa pagbawas o pag-alis ng pamamaga ng lalamunan. Ang taong may sipon (maliban na lamang ang mga bata na may edad na 4 pababa) ay karaniwang pinaiinom ng mga gamot sa sipon, na bagaman hindi nakapagpapagaling ng sipon ay nakapagpapaginhawa sa taong may sipon, katulad ng mga decongestant (pantanggal ng pagbabara sa ilong) na Neozep, Decolgen at Medicol, na maaaring nasa anyo ng tableta o sirup. Kailangan ang pagpapatingin sa manggagamot kapag hindi nawala ang sipon sa loob ng isa hanggang dalawang mga linggo.[1]

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 SIPON, KALUSUGAN PH