Kasal (seremonya)
-
- Para sa ibang gamit, tingnan ang kasal (paglilinaw).
Ang kasal o matrimonyo, bagaman isang kasunduan ng puso, diwa, at isipan, ay ginagawad at ipinagdiriwang bilang simbolo ng pagpapahayag sa lipunan o komunidad ng pag-iisang-dibdib ng dalawang tao, karaniwan na ng isang lalaki at babaeng nag-iibigan. Magkakaiba ang anyo ng selebrasyon sa bawat lugar sa mundo, at kadalasang ayon sa pananampalataya, paniniwala, lahi at kultura ng mga ikinakasal.[1]
Mga nilalaman |
[baguhin] Kaugaliang pangkasal sa Pilipinas
Ang lalaking ikakasal ay kadalasang nagsususot ng Barong Tagalog, kasama ng mga abay nito, subalit ngayon ang mga mayayayaman ay nagsusuot na rin ng kanluraning damit gaya ng tuxedo. Ang kasal na ginanap sa loob ng isang taon ng dalawang magkapatid, kadalasan ng dalawang magkapatid na babae, ay tinatawag na Sukob, ay iniiwasan dahil ito ay pinaniniwalaang magdadala ng malas. May mga paniniwala din na pagnalaglag ang singsing sa lupa ay tanda ng kamalasan. Kadalasan ding makikita sa kasal sa Pilipinas ang pagsasabit ng mga perang papel sa bagong kasal sa kanilang unang sayaw.
[baguhin] Mga talasanggunian
- ↑ The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), nasa wikang Ingles, Grolier Incorporated, 1977, ISBN 0-7172-0508-8