Kaspar Capparoni

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Kaspar Capparoni

Kaspar Capparoni, kasama ni Rex (Henry) sa Roma
Kapanganakan Gaspare Capparoni
1 Agosto 1964 (1964-08-01) (edad 49)
Roma, Italya
Hanapbuhay aktor, aktor na may tiyakan at palagiang katauhan
Asawa Veronica Maccarone (mapapangasawa)

Gaspare "Kaspar" Capparoni (Roma, 1 Agosto 1964) ay isang Italyanong aktor.

Talambuhay[baguhin]

Naging isang aktor na pang-entablado si Kaspar Capparoni noong nasa 18 taong gulang pa lamang siya, sa isang palabas na dinirihe ni Giuseppe Patroni Griffi. Noong 1984, gumanap din siya sa pelikulang Phenomena, na nasa direksiyon ni Dario Argento. Kabilang sa mga pelikulang pinaggampanan ni Kaspar ang mga sumusunod:

  • Colpi di luce (1985), nasa direksiyon ni Enzo G. Castellari
  • Gialloparma (1999), nasa direksiyon ni Alberto Bevilacqua
  • Encantado (2002), nasa direksiyon ni Corrado Colombo
  • Il Ritorno del Monnezza (2005), nasa direksiyon ni Carlo Vanzina
  • Two Families at Il Sole nero, kapwa noong 2007.

Nagtatrabaho din siya para sa ilang mga palabas sa telebisyong may mga kuwentong likhang-isip kabilang ang mga sumusunod: ang dramang pangtelebisyong Ricominciamo (2000), ang maliit na seryeng pangtelebisyong Piccolo mondo antico , ang mga seryeng pangtelebisyong Incantesimo 4 (2001), Elisa di Rivombrosa (2003), La caccia (2005), ang miniseryeng pinangasiwaan ni Massimo Spano, sa papel bilang kalaban ni Alessio Boni, at ang seryeng pangtelebisyong Capri (2006).

Noong 2007, gumanap siya bilang protagonista sa miniseryeng Donna Detective, na nasa ilalim ng direksiyon ni Cinzia TH Torrini. Noong sumunod na taon, gumanap din siya sa Inspector Rex, na dinireksyunan ni Marco Serafini. At maging sa seryeng Capri 2 na nasa direksiyon nina Andrea Barzini at Giorgio Molteni.

Kaspar Capparoni, kasama sina Denise Zich at Martin Weinek

Talapelikulahan[baguhin]

Sa sine[baguhin]

Sa telebisyon[baguhin]

Mga kawing panlabas[baguhin]