Katangiang pisikal
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang katangiang pisikal ay isang aspeto ng isang bagay na nararanasan sa paggamit ng isa sa limang pandamdam ng tao nang hindi binabago ang kanyang komposisyong kimikal. Ang mga sumusunod ang mga pangdamdam:hipo,lasa,amoy,tingin , o tunog at sa malawak na kaisipan, natitiktikan ito ng anumang instrumentong pangsukat.
Paglalarawan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Maaring panloob o panglabas ang katangiang pisikal, o maari ring isotropiko o anisotropiko. Sa mekanika kwantika, tumutukoy sa mga natutunghayan ang katangiang pisikal.
Sa usapang pangpilosopiya, mahirap na matutukan kung ano talaga ang isang katanigiang pisikal. Halimbawa, ang kulay ay ating nakikita subalit sa totoo ito ay isang bunga ng pagtama ng liwanag sa isang rabaw. Sa kaisipang ito, maraming katangiang pisikal ang sinasabing superbinyente. Ang isang superbinyenteng katangian ay sinasabing tutuo ngunit sekundaryo ng isang katotohanang pumapaloob rito (halimbawa: ang kulay ay umaasa sa mga katangian ng rabaw ng tatamaan ng liwanag).
Kapareho rin ito kung saan superbinyente ang isang bagay sa kanyang estruktura atomika. May mga katangiang pisikal ang isang “tasa” ngunit ito ay superbinyente sa nakapaloob ng estruktura atomika nito na kung saan ay superbinyente ng nakapaloob ng estruktura kwantika nito. Sa karaniwang pandama, ang katangiang pisikal ay hiwalay sa mga katangiang di-pisikal. Karaniwang idinadawit ang katangiang di-pisikal sa isang buhay na bagay. Galit at pag-ibig ay mga pabay na hindi bahagi ng mekanika ng sanlibutan ngunit ating binabanggit sa kalagayan ng ating isipan.
Sa istriktong pakahulugan rito, ang katangiang pisikal ng isang bagay ay itinakda ng hinua ng pisika sa loob ng paksang tinatalakay. Sa tradisyonal na kaisipang Newtoniano, ang mga katangiang pisikal ng isang bagay ay ang bigat, hugis, bilis at lugar. Marami pang maipakikita ang isang pisiko upang lalong maging tumpak ito. Sa makaugnay na modelong Einstein, maaring iba ang mga katangian pisikal ng isang bagay.
Sa pangakaraniwang pang-unawa ang isang katangiang pisikal ay halos pareho ng pakahulugang Newtoniano.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pisika at Kimika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.