Katedral ng Malolos

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Basilika-Minor ng Inmaculada Concepcion
(Katedral ng Malolos)
Malolos Cathedral.JPG

The file Talaksan:Files by User:San anjelo has an uncertain copyright status and may be deleted. You can comment on its removal.

Payak na impormasyon
Lokasyon Lungsod ng Malolos, Bulacan, Watawat ng Pilipinas Pilipinas
Relihiyong kinasasaniban Katoliko Romano
Taon ng konsekrasyon 1630
Katayuang eklesyastikal Basilika-Minore
Katayuang punksiyonal Aktibo
Designasyon bilang pamanang-pook Palacio Presidential
Pamumuno Obispo
Paglalarawang arkitektural
Tipong arkitektural Simbahan
Estilong arkitektural Neo-Classic
Groundbreaking 1580
Taon nang makumpleto 1673,1752,1817

Ang Katedral ng Malolos, na tinatawag ding Basilika Menor ng Ina ng Malinis na Paglilihi (Kastila: Basilica Minore dela Nuestra Señora de Inmaculada Concepcion; Ingles: Minor Basilica of Our Lady of Immaculate Conception), ay ang sentrong simbahan at luklukan ng Obispo ng Diyosesis ng Malolos sa Pilipinas. Matatagpuan ito sa Lungsod ng Malolos, Bulacan.

Panimula[baguhin | baguhin ang batayan]

Unang naitayo ng mga Misyonerong Agustino sa pamumuno ni Fray Diego Ordoñez de Vivar at ipinailalim bilang isa sa mga "visita" ng Simbahang Parokyal ng Tondo noong Mayo 13, 1572 matapos marating ng mga Conquistador na Espanyol noong Nobyembre 14,1571.

Simbahan at Kumbento[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa pulo ng Definitorio ng Orden ni San Agustin na ginanap sa Tondo,itinaas at itinatag bilang Parokya at Kumbento ng Bayan ng Malolos noong Hunyo 11, 1580 at naitalaga si Fray Mateo Mendoza bilang kauna-unahang Kura Paroko.Sa pasimula ng bilang kumbento parokyal ang Simbahan ng Malolos ay may tatlong visita: Matimbo,Paombong at Mambog. (Saligan: Capitulo XXXVI,Conquistas de Las Islas,Fray Gaspar San Agustin,Madrid) at naidagdag ang Binto (Quingua) bilang vista noong 1581

Dahil sa madalas pagbaha inilipat ang Simbahan mula sa pampang ng Ilog Canalate papunta sa kasalukuyang lokasyon sa pampang ng Ilog ng Liang noong 1580 at itinayo gamit ang pawid at kawayan.Pinalakihan sa taong 1589 ni Fray Cristobal Tarique at noong 1599 muling ipinaayos ni Fray Roque de Barrionuevo gamit ang mas matitibay na materyales na kahoy,tabla.

Unang Simbahang Bato[baguhin | baguhin ang batayan]

Taong 1673 sinimulang itayo ni Fray Jaime Balzac OSA ang simbahang gawa sa Bato na ipinagpatuloy nina Fray Ildefonso Tellez 1674, Diego Alday 1675, Jaun de San Nicolas 1680 at ipinagpatuloy hanggang panahon ni Fray Lorenzo de Leon at Andres Ibarra na natapos noong 1700.Muling pinaganda ni Fray Fernando Sanchez noong 1734 at tinapos ni Fray Juan Meseguer noong 1740.Muling pinaganda ni Fray Jose de Vivar noong 1753,ngunit ang Unang Kumbento at Simbahan na yari sa Bato ay nasira ng malaking sunog ng 1813.

Ikalawang Simbahang Bato

Matapos ang sunog noong 1813,muling ipinatayo ni Fray Melchor Fernandez ang simbahan noong 1817,si Msgr Fernandez ay kilalang tagapagtayo ng mga edipisyo at gusali,siya ang nagpatayo ng tulay na bato na nagdudugtong sa Barasoain at Malolos noong 1817, nagdagdag ng arko sa kumbento ng simbahan at naglagay ng Torre de Relos sa kaliwang bahagi ng kumbento.Ang ikalawang simbahang bato ng Malolos ay natapos at nabasbasan noong Oktubre 18,1826 ni Ilmo.Francisco Alban,obispo ng Nueva Segovia.

Noong 1863 ang buong Luzon ay sinalanta ng malakas ng Lindol, ang Kumbento ng Malolos ay naipatayo ni Fray Fernandez ay nasira.Muling ipinayos ni Fray Ezequiel Merino na tumagal hanggang 1872.Muling sinira ng isa pang malakas na lindol noong 1880 at ipinaayos ng noon ay kura na si Fray Juan Tombo at natapos naman sa panahon ni Fray Felipe Garcia noong 1884.

Papel sa Kasaysayan ng Pilipinas[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong 1888, 20 kababaihang taga Malolos na mula sa angkan ng mestisong sangley ang nagpetisyon kay Gobernador Heneral Valeriano Weyler na noon ay dumalaw sa Malolos.Sinadya ng mga kakabaihan ang Heneral na noon ay nasa kumbento ng Malolos.Sa kabila ng pagtutol ng kura ng bayan sa pangunguna ni Fray Felipe Garcia, napagbigyan ang kahilingan noong 1889.


ArkitekturaPilipinasBulacan Ang lathalaing ito na tungkol sa Arkitektura, Pilipinas at Bulacan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.