Kita

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang kita o kinita (Ingles: income) ay ang pagkakataon ng pagkonsumo o pag-iimpok na nakakamit ng isang entidad o “katawan” sa loob ng isang tiyak na balangkas ng panahon, na pangkalahatang nasa anyo ng kasunduang pampananalapi.[1] Ngunit, para sa mga katulong sa bahay at mga indibiduwal, ang kita ay ang kabuuan ng lahat ng mga sahod o kinita ng mga manggagawa, ganansya, gana, o pinagbentahan, mga bayad na tubo o nabayarang patubo, mga bayad sa paarkila (katulad ng renta o bayad sa paupahang bahay o apartamento), at iba pang uri ng kitang tinatanggap sa loob ng isang inilaang panahon.[2] Para sa mga kompanya, ang kita ay pangkalahatang tumutukoy sa netong kinita: ang natitira pa sa perang pumapasok sa negosyo o kitambayan kung ukol sa pamahalaan pagkaraang mabawas na ang mga gastusin o ginastos.[3] Sa larangan ng ekonimiyang pampubliko, maaari itong tumukoy sa akumulasyon o pagkaipon ng kapwa kakayahang makakonsumo o makatanggap ng kabayarang salapi o hindi salapi, kung saan ang hindi salaping kabayaran ay ginagamit bilang panghalili para sa kabuuang kita.[1]

Tingnan din[baguhin]

Wiktionary-logo-en.png
Tingnan ang income sa
Wiktionary, ang malayang talahulugan.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 Barr, N. (2004). Problems and definition of measurement. In Economics of the welfare state. New York: Oxford University Press. pp. 121-124
  2. Case, K. & Fair, R. (2007). Principles of Economics. Upper Saddle River, NJ: Pearson Education. p. 54.
  3. Schoen, John W.. "What's the difference between revenue and income?". msnbc. http://www.msnbc.msn.com/id/7477449/. Hinango noong 2008-03-14.