Labanan ng Corregidor

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Battle of Corregidor
Bahagi ng World War II, Pacific Front
Corregidor gun.jpg
Mga nagwaging hukbong Hapones sa ibabaw ng Hearn Battery, Mayo 6, 1942.
Petsa May 5–6, 1942
Lokasyon Corregidor island in Manila Bay, Luzon Island, Philippines
Resulta Japanese victory
Mga Nakikidigma
Watawat ng Estados Unidos United States Watawat ng Imperyo ng Hapon Empire of Japan
Pinuno
Flag of the United States Jonathan M. Wainwright  #
Flag of the United States George F. Moore #
Flag of the United States Samuel L. Howard #
Watawat ng Japan Masaharu Homma
Watawat ng Japan Kureo Taniguchi
Watawat ng Japan Kizon Mikami
Lakas
13,000 US and Filipino troops 75,000 Japanese troops
Nawala
800 napatay
1,000 nasugatan
11,000 POWs
900 napatay
1,200 nasugatan

Ang Labanan ng Corregidor na nangyari noong Mayo 5-6,1942 ang pagtatapos ng pangangampanya ng mga Hapones upang sakupin ang Komonwelt ng Pilipinas. Ang pagbagsak ng Bataan noong Abril 9, 1942 ang nagwakas ng lahat ng mga organisasyong oposisyon ng U.S. Army Forces Far East sa mananakop na mga puwersang Hapones sa Luzon. Ang Corregidor ang tanging hadlang sa pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas sa ilalim ni Tenyente Heneral Masaharu Homma. Muling nabihag ng mga hukbong Amerikano at Pilipino ang Corregidor noong 1945.