Labintador
Ang Labintador o rebentador ay pangkahalatang katawagan sa paputok na kalimitan ginagamit sa mga pagdiriwang tulad ng Bagong Taon. Partikular na tinatawag na rebentador ang "trayanggulo" o maliit na paputok na hugis tatsulok[1] na nakabalot sa kulay kayumanggi na papel. Tinatawag din na five star o labintador ang nasabing hugis tatsulok na paputok. Labintador din ang tawag sa paputok na kilala din bilang el diablo o diablo na hugis tubo at nasa mga 1 1⁄4 pulgada (32 mm) ang haba at 1⁄4 pulgada (6.4 mm) sa diametro na may mitsa.[2] Kapag pinagkabit-kabit ang mga diablo, ito ay nagiging paputok na sinturon ni Hudas o sawa.
Regulasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa Pilipinas, ang Batas Republika Blg. 7183 ay sinabatas upang pangasiwaan at pigilan ang pagbenta, pamamahagi, paggawa at paggamit ng mga paputok para sa kaligtasan ng publiko.[2] Ayon sa batas na iyon, nakasaad ang mga legal na paputok kabilang ang labintador na hugis tubo.[2] Bagaman legal, nagdudulot ito ng panganib sa mga gumagamit.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Aning, Jerome (Setyembre 29, 2014). "DOJ files raps vs 3 men caught planting bomb at Naia 3". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong Disyembre 29, 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 "REPUBLIC ACT NO. 7183". chanrobles.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 28, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)