Lasagne

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Lasagne
Lasagne - stonesoup.jpg
Hinurnong lasagne
Pinagmulan
Pook na pinanggalingan Italya
Mga detalye
Uri Pasta
Pangunahing (mga) sangkap Trigong durum
Mga baryasyon Lasagnette

Ang lasagne ( /ləˈzænjə/ o /ləˈzɑːnjə/ o /ləˈsɑːnjə/, pagbigkas sa wikang Italyano: [laˈzaɲɲe]), na nababaybay din kung minsan bilang lasagna, ay isang malapad at sapad na hugis ng pasta, at maaaring isa sa pinakamatanda.[1] Ang salita ay tumutukoy din sa isang lutuin na ginawa mula sa ganitong uri ng pasta na mayroong iba't ibang mga sarsa at hinuhurno sa loob ng isang hurnuhan. Katulad ng karamihan sa iba pang mga uri ng pasta, ang salita ay nasa pangmaramihang anyo: ang lasagne na nangangahulugang mas marami sa isang piraso ng laso ng lasagna. Sa nakaugalian, ang masa ay inihahanda sa Katimugang Italya na mayroong semolina at tubig; sa Hilagang Italya, dahil sa walang semolina sa mga rehiyong ito, ang lasagne ay inihahanda na mayroong harina at mga itlog. Sa pangkasalukuyang Italya, dahil sa ang tanging uri lamang ng trigo na pinahihintulutan para sa pasta ay ang trigong durum, ang lasagne ay gawa mula sa semolina (mula sa trigong durum) at mga itlog.[2]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. The Oxford Companion to Food 2nd Ed. Oxford University Press, USA. 2006. ISBN 0-19-280681-5. 
  2. "Presidential Decree 187" (sa English). salin mula sa UA A.F.P.A. 9 Pebrero 2001. http://www.pasta-unafpa.org/pdf/ITALIA.pdf. Hinango noong 7 Oktubre 2012. 


Wikiquote-logo-en.svg
May koleksiyon ng mga sipi ang Wikiquote sa Ingles ukol sa:
Wikibooks
Ang Wikibooks Cookbook ay may artikulo hinggil sa