Lindol sa Tsile noong 2010

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Lindol sa Tsile noong 2010
Petsa 27 February 2010 06:34:17 UTC (2010-02-27UTC06:34:17)
Kalakhan 8.8 Mw
Lalim 59 kilometres (37 mi)
Sentro nang lindol 35°50′46″S 72°43′08″W / 35.846°S 72.719°W / -35.846; -72.719Mga koordinato: 35°50′46″S 72°43′08″W / 35.846°S 72.719°W / -35.846; -72.719
Mga bansa/
rehiyong apektado
Sentro ng Tsile
Tsunami warning for Chile and Peru
Nasawi 6 (probisyonal)[1]

Ang Lindol sa Tsile noong 2010 ay isang malakas na lindol na naganap noong 27 Pebrero 2010[2][3]. Una itong naiulat sa 8.3 o 8.5 Mw subalit hindi naglao'y itinaas sa 8.8.[4]. Naramdaman ang lindol sa ibang lungsod ng Arhentina maging sa kabisera ng bansa na Santiago.[5]

Ang sentro nito ay sa may baybayin nang Maule, tinatayang 60 mi (97 kilometres) hilaga-hilagang kanluran ng Chillán, Tsile at 115 kilometro hilaga-hilagang silangan ng pangalawang pinakamalaking lungsod ng Tsile, ang Concepcion[6]. Naganap ang lindol mga 3:34 nang umaga sa lokal na oras, at naiulat na tumagal ng 10-30 segundo[7].

Ayon sa isang cameraman ng Associated Press Television News, gumuho ang ilang gusali sa Santiago, Tsile at nagkaroon ng kawalan ng kuryente sa ilang bahagi ng lungsod[8] Nagdulot ang lindol ng pagkawala ng kuryente sa halos buong Tsile kasama na ang kabisera nitong Santiago, Tsile.[9]

Iniulat ni Pangulong Michelle Bachelet na hanggang sa ngayon anim na ang kumpirmadong patay[1]. Ayon naman sa pagtataya ng Pambansang Tanggapan ng Kagipitan ng Tsile Oficina Nacional de Emergencia ang kalakasan nang lindol ay nasa IX sa Eskalang sismolohikong Richter sa Rehiyon ng Biobío at VIII sa Santiago.[10][1].

Itinaas ang babala sa posibleng tsunami sa Tsile at Peru matapos ang pagyanig, na kalauna't pinalawig hanggang Ekuador, Kolombia, Antarktiko, Panama at Kosta Rika[1]. Nagkaroon ng tsunami sa Valaparaiso sa taas na 1.29 metro[11][1]. Nagkaroon ng aftershock na 6.2 mga 20 minuto matapos ang unang paglindol.[1][12] Dalawa pang mga aftershock na may kalakhang 5.4 at 5.6 ang sumunod.[12]

Tingnan pa[baguhin]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 "Massive earthquake strikes Chile". BBC News. http://news.bbc.co.uk/2/hi/americas/8540289.stm. Hinango noong 27 February 2010. 
  2. "Reuters earthquake report". Reuters. http://www.reuters.com/article/idUSTRE61Q0S920100227. Hinango noong 27 February, 2010. 
  3. "Japan Meteorological Agency report". Japan Meteorological Agency. http://www.jma.go.jp/en/quake/. Hinango noong 27 February, 2010. 
  4. "USGS Earthquake Details". USGS. http://earthquake.usgs.gov/earthquakes/eqinthenews/2010/us2010tfan/. Hinango noong 27 February 2010. 
  5. "Tsunami After Major Earthquake Hits Chile". Sky News. 27 February 2010. http://news.sky.com/skynews/Home/World-News/Chile-Earthquake-Measuring-83-On-The-Richter-Scale-Hits-Concepcion-And-Capital-Santiago/Article/201002415561008?lpos=World_News_Carousel_Region_0&lid=ARTICLE_15561008_Chile%3A_Earthquake_Measuring_8.3_On_The_Richter_Scale%2C_Hits_Concepcion_And_Capital_Santiago. Hinango noong 27 February 2010. 
  6. "Magnitude 8.8 - Offshore Maule, Chile". United States Geological Survey. February 27, 2010. http://earthquake.usgs.gov/earthquakes/recenteqsww/Quakes/us2010tfan.php. Hinango noong February 27, 2010. 
  7. Patrick Sawer (27 February 2010). "Huge earthquake hits Chile". The Daily Telegraph. http://www.telegraph.co.uk/news/worldnews/southamerica/chile/7329357/Huge-earthquake-hits-Chile.html. Hinango noong 27 February 2010. 
  8. Eva Vergara, Associated Press, "8.8-magnitude earthquake hits central Chile". Retrieved 27 February 2010.
  9. http://www.reuters.com/article/hotStocksNews/idUSLDE61Q02O20100227
  10. "Bachellet confirmó que hay cinco muertos por el sismo en Chile", mdz online Hinango 27 Pebrero 2010. (Español)
  11. TSUNAMI BULLETIN NUMBER 003-NOAA Pacific Tsunami Warning Center
  12. 12.0 12.1 Latest Earthquakes M5.0+ in the World, by USGS.