Pumunta sa nilalaman

Lola Pagnani

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Lola Pagnani
Kapanganakan
Anna Lola Pagnani Stravos

(1972-04-03) 3 Abril 1972 (edad 52)
Trabahoaktres, baylarina

Si Anna Lola Pagnani Stravos (Roma, 3 Abril 1972) ay isang Italyanang aktres.

Ipinanganak sa Roma bilang Anna Lola Pagnani Stavros, isa siyang anak na babae ng manunulat at tagapagsulat sa takilyang si Enzo Pagnani. Nagtapos siya ng pag-aaral sa Paris sa edad na 17 taong gulang. Pinag-aralan niya ang larangan ng kontemporaryong sayaw, at naging unang mananayaw ng Momix para sa paglalakbay nitong pangdaigdigan, at matagumpay na nakipagtulungan sa kaparaan ng pagsayaw para sa Circe du Soleil sa Montréal. Siya ang unang mananayaw sa Bahay ng Opera sa Munich sa ilalim ng direksiyon ni Lina Wertmuller at ng konduktor ng musikang si Giuseppe Sinopoli. Pagkaraan, nakapagtapos din siya ng pagaaral ng larangan ng kontemporaryong sayaw mula sa Tanghalan ng Amerikanong Sayaw ni Alvin Ailey sa Lungsod ng Bagong York. Nang lumaon, nag-aral siya ng pagarte sa Estudyo ng HB sa Bagong York din. Pagkaraan nito, nagbalik siya sa Italya.

Sa Italya, nagsimula siyang maghanapbuhay kasama ng mga kilalang pangalan sa Italyano at pandaigdigang mga sinema at tanghalan, katulad nina Ettore Scola, Giulio Base, Lina Wertmuller; nagtanghal din siya para kina Spike Lee, John Turturro at Abel Ferrara. Siya ang naging testimonyal ng Lavazza na kasama sina Tullio Solenghi at Riccardo Garrone at naghanapbuhay ng dalawang magkasunod na taon sa palabas ng talakayang Palabas ni Maurizio Costanzo (ang Maurizio Constanzo Show). Naimbitahan siyang maghanapbuhay kasama nina Enrico Montesano, Marco Columbro, Barbara De Rossi, Blas Roca Rey, Enrico Brignano, Nino Manfredi, Vittorio Gassman at Shelley Winters, na nangangalaga sa kaniya ng personal para makapag-aral siya sa Los Angeles sa Istudyo ng Aktor o Actor's Studio. Pribado siyang nag-aral na kasama si Teddey Sherman sa Los Angeles.

Naghanapbuhay siya para sa Rai International sa Lungsod ng Bagong York para sa ilang mga programa at gumanap bilang punong tagapagpasinaya ng PoP Italia. Nakipagtulungan din siya sa magasing Associazione Via Condotti ni Gianni Battistoni.

Kamakailan lamang, nagpasya siya makilahok sa paggawa ng dokumentaryo na kasama ang Amerikanong prodyuser at direktor na si Melissa Balin, na binigyang inspirasyon ng pansariling karanasang legal bilang isang biktima ng kaganapang camorra. Ipinangalanan ang proyekto bilang Women Seeking Justice (o Babaeng Naghahanap ng Katarungan) at magbibilang ng mga kuwento ng kawalan ng hustisya mula sa iba't ibang sulok ng mundo. Matatas siyang nakapagsasalita ng Italyano, Pranses, Kastila, at Ingles.

Talapelikulahan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa telebisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]