Pumunta sa nilalaman

MV St. Thomas Aquinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
History
Pangalan:

list error: <br /> list (help)
St. Thomas Aquinas

dating Superferry 2
dating Aboitiz Superferry 2
dating Ferry Sumiyoshi
May-ari: 2Go Group, Inc.
Operator: 2GO Travel
Rehistradong daungan: Pilipinas Maynila, Pilipinas
Hiniling: 1 Enero 1972[1]
Tagabuo: Onomichi Dockyard Co, Onomichi
Yard number: 239
Inilunsad: 19 Disyembre 1972
Nakumpleto: Marso 1973
Nawala sa serbisyo: Agosto 16, 2013
Pagkakakilanlan: Padron:IMO number[2]
Kapalaran: Lumubog dahil sa pagbangga sa Sulpicio Express Siete
General characteristics [1]
Type: Passenger RoRo Ferry
Tonnage: Padron:GRT
Padron:NRT
2,994 DWT
Length: 138.6 m (455 tal)
Beam: 22 m (72 tal)
Installed power: Two Mitsubishi diesel engines (2 × 5,670 kW)
Propulsion: Two shafts; fixed pitch propellers
Speed: 19 knot (35 km/h; 22 mph)
Crew: 116

Ang MV St. Thomas Aquinas ay isang rehistradong barkong pampasahero sa Pilipinas na pinangangasiwaan ng 2GO na lumubog pagkatapos bumangga sa MV Sulpicio Express Siete ng Philippine Span Asia Carrier Corporation (dating Sulpicio Lines) noong Agosto 16, 2013. [3] Ayon sa huling tala noong Agosto 18, 34 na ang namatay at 85 pa ang nawawala sanhi ng aksidente. [4]

Ang barko ay ipinangalan kay Santo Thomas Aquinas, [5][6] ito ay 455-talampakan (139 m) ang haba at may kakayahang magsakay ng mga pasahero at mga sasakyan. [7][3] May bigat na 11,000 tonelada ang barko at nabigyan ng karapatan noong 1973.[8] Pinangasisiwaan ito ng 2Go noong ito ay lumubog.[3]

Noong Biyernes, 16 Agosto 2013, umalis ang St. Thomas Aquinas mula sa Nasipit, Agusan del Norte. Bandang 9:00 ng gabi, ito ay patungo sa daungan ng lungsod ng Cebu habang tinatahak ang Kipot ng Cebu nang bumangga sa MV Sulpicio Express Siete (IMO 7724344), isang barkong pangkargamento na pag mamay-ari ng Philippine Span Asia Carrier Corporation, na siya namang pa-alis ng daungan, tinatayang 1.2 milya (1.9 km) mula sa Lungsod ng Talisay, Cebu. [7] Madaling pinasok ng tubig ang St. Thomas Aquinas, hudyat upang iutos ng kapitan na lisanin na ang barko.[3] Ang mga tripulante ay mabilis na nagbigay ng mga salbabida sa daang-daan pasahero na lumundag sa dagat. Sa loob lang ng 30 minuto ang barko ay tuluyan nang lumubog.[7]

Noong panahon ng banggaan, may lulan ang St. Thomas Aquinas na 715 pasahero (kasama ang 58 mga sanggol) at 116 tripulante. Karamihan sa mga pasahero ay natutulog nang panahong iyon o maaaring nahirapan sa paghahanap ng labasan dahil narin sa dilim ng mawalan ng kuryente ang barko.[8] Ayon sa tagapagsalita ng 2GO malaki ang posibilidad na ang ibang pasahero ay nasa bahagi ng barko na nabangga at nakulong dahil sa sirang natanggap nito.[9] Ang Sulpicio Express Siete, na hindi lumubog, ay may lulan na 36 na tripulante. [7] Labis na napinsala ang harapan ng Sulpicio Express Siete dahil sa aksidente. [3]

Ilang lokal na mangingisda ang nakakita ng mga pailaw-senyas ng pagkakaroon ng isang sakuna-na pinasimulan St. Thomas Aquinas ang naunang tumulong sa pagliligtas ng mga biktima. "Sinasagip namin ang mga buhay at iniiwan ang mga patay sa dagat," sabi ng isang tumulong. "Narinig ko ang mga sigaw at iyakan."[3] Ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ay nagsagawa rin ng pormal na pagsagip. Ang mga biktimang nailigtas ay agad na dinala sa mga kalapit na hotel.[9]

Noong Sabado, 17 Agosto 2013, ilang maninisid ang nagsimulang maghanap ng mga biktima sa lumubog na barko, ngunit itinigil din para sa seguridad ng maninisid kinahapunan. 31 katao ang kumpirmadong patay at 172 pa ang nawawala sa kalagitnaan ng araw.[9]

Ayon sa tala noong 18 Agosto, umakyat na sa 35 ang patay at 85 pa ang nawawala sanhi ng trahedya. [10] Inaasahang tataas pa ang bilang ng mga nasawi ayon sa Tanúrang Baybayin ng Pilipinas. Marami sa nakaligtas ang nagkasakit tapos makalunok ng tubig dagat na may langis mula sa lumubog na barko ng St. Thomas Aquinas.[8]Noong Agosto 19, kinumpirma ng Tanúrang Baybayin ng Pilipinas ang 55 na namatay at 65 na nawawala at 750 ang nailigtas.[11] Naaapektuhan ang paghahanap ng ibang nawwawala dahil na rin sa masungit na panahon.[12]

Tiniyak din na tataas pa ang bilang ng mga namatay ayon sa Tanúrang Baybayin ng Pilipinas. Marami sa mga nakaligtas ay nagkasakit dahil na pag-inom ng tubig dagat na may langis mula sa lumubog na barko.[8]

Ang sanhi ng aksidente ay hindi pa matukoy, isang opisyal na pagsisiyasat ang ilulunsad pagkatapos ng ginagawang paghahanap ng iba pang biktima. Sa isang pahayag mula sa 2GO, ang St. Thomas Aquinas ay "naiulat na binanggga" ng barko ng Sulpicio Line's,[3] ngunit hindi rin tahasang sinisisi ang nasabing barko. Inihayag din ng 2GO na ang Daungan ng Cebu ay likas na makitid at ang espesyal na kontrol ng trapiko ay isinasagawa upang maiwasan ang aksidente sa daungan.[9]

Pangkaraniwan ang mga sakunang pandagat sa Pilipinas dahil sa pinagsama-samang masamang panahon, walang maayos na pagpapanatili ng mga sasakyang pandagat, at kakulangan sa maigting na pagpapatupad ng mga alituntuning pangkaligtasan.[7] Ang Philippine Span Asia Carrier Corporation (tagapangasiwa ng Sulpicio Lines) ay nasangkot na sa limang sakunang pandagat, kabilang ang paglubog ng Doña Paz noong 1987, ang itinuturing na pinakamalalang sakunang pandagat sa panahon ng kapayaan sa kasaysayan.[13]

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Padron:Csr
  2. Padron:Csr
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 3.6 "At least 28 dead, more than 200 missing after ferry sinks in Philippines". Fox News. AP. Agosto 17, 2013. Nakuha noong Agosto 17, 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 34 dead, 85 unaccounted for after Philippines boat collision, CNN, Kathy Quiano and Deanna Hackney, August 18, 2013
  5. "At Least 17 Dead After Ferry Collides with Cargo Ship in Philippines". World Maritime News. Inarkibo mula sa orihinal noong Septiyembre 9, 2019. Nakuha noong August 17, 2013. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  6. Padron:Csr
  7. 7.0 7.1 7.2 7.3 7.4 "Philippines ferry Thomas Aquinas sinks at Cebu". BBC. Agosto 17, 2013. Nakuha noong Agosto 17, 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 8.2 8.3 "Philippines ferry Thomas Aquinas sinks, many missing". BBC. Agosto 17, 2013. Nakuha noong Agosto 17, 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 9.2 9.3 "Cebu sea mishap death toll rises to 31; 172 still missing". Philippine Star. Agosto 17, 2013. Nakuha noong Agosto 17, 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 34 dead, 85 unaccounted for after Philippines boat collision, CNN, Kathy Quiano and Deanna Hackney, August 18, 2013
  11. Mullen, Jethro (19 Agosto 2013). "Death toll hits 55 in Philippines ferry disaster". CNN. Nakuha noong 19 Agosto 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Philippines ferry crash death toll rises". BBC. 19 Agosto 2013. Nakuha noong 20 Agosto 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Agence France-Presse (18 Agosto 2013). "Ferry disaster is 5th tragedy for Philippine firm". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 18 Agosto 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)