Mangkokokak

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Mga mangkokokak
Mangkokokak ng Atlantiko, Micropogonias undulatus
Kauriang pang-agham
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Klase: Actinopterygii
Orden: Perciformes
Suborden: Percoidei
Pamilya: Sciaenidae
Sari

Tingnan sa teksto.

Ang Sciaenidae (Ingles: drum, croaker, o hardhead) ay isang pamilya ng mga isdang kilala rin bilang mga isdang tambol, isdang mananambol, mga isdang mangkokokak, isdang kumokokak, isdang umaatungal, o isdang tigas-ulo ("isdang may matigas na ulo") dahil sa paulit-ulit na nililikha nilang tunog na parang nagtatambol, pakokak, o pumipitlag. Alin man ito sa mahahabang malalapad na mga isdang gumagawa ng ganitong tunog, ang dahilan ng pagbibigay ng katawagan o pangalan nila. Mayroong 275 mga uri ang pamilya. Kabilang ito sa orden ng Perciformes.

Isang halimbawa ng isdang mangkokokak ang isdang kumokokak ng Atlantiko, na matatagpuan sa mainit-init o maligamgam, at mabababaw na mga katubigan ng Karagatang Atlantiko. Kakulay sila ng tansong dilaw, at may madirilim na mga tuldok o batik. Isa ang isdang mangkokokak ng Atlantiko sa mga pangunahing pagkaing isda sa mga panggitnang mga estado ng Atlantiko.[1]

Mga sari at piniling mga uri[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Atlantic croaker, Croaker". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. (1977)., Dictionary Index ng titik C, pahina 621.
  • "Sciaenidae". FishBase. Ed. Ranier Froese at Daniel Pauly. May 2006 bersyon. N.p.: FishBase, 2006.