Pumunta sa nilalaman

Mario T. Barri

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Mario T. Barri ay isang artistang Pilipino na naging isang aktor muna si bago naging isang direktor.

Isinilang siya noong 1928 at unang gumanap sa pelikulang Song of Sto. Tomas ng Lebran Pictures. Gumanap din siya ng mahalagang papel sa isang pang-mahal na araw na handog ng Lebran ang Kalbaryo ni Hesus. Napasabak din siya sa isang katatakutang-komedya ng FP Pictures ang Multo ng Opera.

Noong 1955 lumabas din siya sa isang mahalagang papel sa pelikulang Sanda Wong ng Manuel Vistan Pictures at Champion Ho. Hindi siya lumabas sa Sampaguita O LVN pero nakagawa siya sa Premiere Production ng Paltik kung saan pinagbidahan ni Efren Reyes.

Lumabas siya sa Tamaraw Studios para sa pelikulang Matira ang Matibay. Unang siyang nagdirihe sa pelikulang Kilabot ng Sta Barbara ng Tamaraw. Nakilala siya ng lubos ng gawin niya ang internasyonal na pelikulang Escape to Mindanao na pinangunahan ng banyang kano na si Gilbert Roland.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.