Mark Zuckerberg

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Mark Zuckerberg
Si Mark Zuckerberg noong 2011
Kapanganakan Mark Elliot Zuckerberg
14 Mayo 1984 (1984-05-14) (30 taong gulang)
White Plains, New York, Estados Unidos
Hanapbuhay Co-founder, CEO & Presidente ng Facebook
Net worth $2 billion[1]
Pananampalataya Atheist[2]

Si Mark Elliot Zuckerberg (ipinanganak 14 Mayo 1984) ay isang Amerikanong negosyante na mas kilala bilang isa sa mga nagtatag ng tanyag na panglipunang networking site na Facebook. Tinatag ni Zuckerberg ang Facebook kasama ng kanyang mga kamag-aral na sina Dustin Moskovitz, Eduardo Saverin, at Chris Hughes habang sila ay nag-aaral sa Pamantasan ng Harvard. Naglilingkod si Zuckerbuerg bilang CEO ng Facebook.[3] Siya ay naging paksa ng kontrobersiya ng pinagmulan ng kanyang negosyo.He has been the subject of controversy for the origins of his business.[4]

Pagkabata[baguhin | baguhin ang batayan]

Pinanganak si Zuckerberg sa White Plains, New York at pinalaki sa Dobby Ferry, New York. Nagsimula siyang mag-aral ng programming noong siya ay nasa kalagitnaan ng pag-aaral sa Mataas na paaralan. Bago pa man iyon, naaaliw na si Zuckerbuerg sa pagbuo ng mga computer programs, gaya ng mga gamit pangkomunikasyon at mga laro. Bago siya pumasok sa Phillips Exeter Academy, nag-aral muna siya sa Mataas na Paaralan ng Ardsley. Habang siya ay nag-aaral sa Phillips Exeter Academy, bumuo siya ng programang makakatulong sa mga manggagawa ng kanyhg ama na makapag-usap sa tanggapan nito; bumuo siya ng bersiyon ng larong "Risk" at isang music player na tinawag na Synapse na gumagamit ng Artificial Intelligence upang malaman ang gawing pangpakinig ng tagagamit. Sinubukang bilhin ng Microsoft at AOL ang Synapse at isapi sa kanila si Zuckerberg, subalit napagpasyahan niyang mag-aral sa Pamantasan ng Harvard , kung saan sinalihan niya ang Alpha Epsilon Pi, isang kapatirang Hudyo.[5]

Facebook[baguhin | baguhin ang batayan]

Si Zuckerberg (kanan) kasama si Robert Scoble noong 2008.

Pagkakatatag[baguhin | baguhin ang batayan]

Inilunsad ni Zuckerberg ang Facebook mula sa kanyang dormitoryo sa Harvard noong 4 Pebrero 2004. Ang sapataha ng Facebook ay galing sa kanyang mga araw sa Phillips Exeter Academy, kung saan, gaya ng karamihan sa mga dalubhasaan at mga paaaralan, ay mayroong nakagawiang taunang sanggunian ng mga mag-aaral na mayroong mga larawan nila, ng mga guro at lahat ng mga kawani na tinatawag na "Facebook". Noong siya ay nasa dalubhasaan pa, Ang Facebook ni Zuckerberg ay nagsimula lang bilang isang bagay na pang-Harvard lamang, hanggang ninais ni Zuckerberg na palawigin ang Facebook sa iba pang mga paaralan at inarkila ang tulong ng kasama niya sa kuwarto na si Dustin Moskovitz. Una nila itong pinalawig sa Stanford, Dalubhasaan ng Dartmouth, Pamantasan ng Columbia, Cornel at Yale, at sa lahat ng mga paaralang may koneksiyong panlipunan sa Harvard.[6][7][8]

Paglipat sa California[baguhin | baguhin ang batayan]

Lumipat si Zuckerberg sa Palo Alto, California, kasama si Moskovitz at ilang mga kaibigan. Umupa sila ng isang maliit na bahay na nagsilbi nilang kauna-unahang tanggapan. Nakilala ni Zuckerberg si Peter Thiel na namuhunan sa kanilang kompanya. Nakuha nila ang kanilang unang tanggapan noong tag-araw ng 2004. Ayon kay Zuckerberg, ang pangkat ay nagplanong bumalik sa Harvard sa panahon ng tag-lagas subalit napagpasyahan nilang manatili sa California. Simula noon, hindi na sila bumalik bilang mag-aaral sa dalubhasaan.

Bibliograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "158 Mark Zuckerberg - The Forbes 400 Richest Americans 2009 - Forbes.com;". Forbes. 2009-09-30. Archived from the original noong 2012-09-20. http://archive.is/20120920/http://www.forbes.com/lists/2009/54/rich-list-09_Mark-Zuckerberg_I9UB.html. Hinango noong 2009-10-03. 
  2. Vara, Vauhini (2007-11-28). "Too Much Information? - WSJ.com". Online.wsj.com. Archived from the original noong 2012-05-25. http://archive.is/20120525/http://online.wsj.com/public/article/SB119621309736406034.html. Hinango noong 2009-08-21. 
  3. Reagan, Gillian (2009-03-10). Thumbs Up! There's a Lot to Like about 'Like' (HTML). The New York Observer. The New York Observer, LLC. Retrieved on 2009-03-11
  4. "news.com article about 02138". Archived from the original noong 2012-09-15. http://archive.is/20120915/http://www.news.com/8301-13577_3-9827222-36.html?tag=cd.blog. 
  5. "Hacker. Dropout. CEO.". Archived from the original noong 2012-09-20. http://archive.is/20120920/http://www.fastcompany.com/magazine/115/open_features-hacker-dropout-ceo.html?page=0%2C2. 
  6. http://web.archive.org/web/20070105155512/http://daily.stanford.edu/article/2004/3/10/thefacebookcomsDarkerSide [dead link - historical version]
  7. "Online network created by Harvard students flourishes". Tufts Daily. Archived from the original noong 2012-05-25. http://archive.is/20120525/http://www.tuftsdaily.com/2.5541/1.600318. Hinango noong 2009-08-21. 
  8. "Thefacebook.com opens to Duke students - News". Media.www.dukechronicle.com. http://media.www.dukechronicle.com/media/storage/paper884/news/2004/04/14/News/Thefacebook.com.Opens.To.Duke.Students-1469558.shtml. Hinango noong 2009-08-21.  [dead link - historical version]


Mga Kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]