Tiyaga
Ang tiyaga, pasensiya, pasyensiya, taman, at siyasip (Ingles: patience)[3][4] ay ang katayuan ng pagkakaroon ng katatagan o tibay at kakayahang tumagal ng isang tao habang nasa ilalim ng mahirap na mga kalagayan o pangyayari, na nangangahulugan ng pagsusumigasig, pagpupunyagi, at pagsusumikap habang nasa harap ng pagkaantala, paghamon, o pagkaantig na hindi naiinis o naaburido; o nagpapakita ng pagbabata at pang-unawa sa harap ng pang-uudyok habang pinangingibabawan ng kahirapan o pamimilit, natatangi na ang kapag humaharap sa pangmatagalang mga kabigatan o paghihirap. Sa payak na kahulugan, ito ang mahinahon o matatag na hindi pagmamaliw o pag-ayaw sa kabila ng nadaramang hapdi o pasakit, pagkayamot, at iba pang katulad na mga damdamin, at mayroong kasamang pagtaban o pagpipigil ng sarili.[5] Ginagamit din ito upang tukuyin ang katangiang asal ng pagiging matiisin at mapagbata.[3][4] Kabaligtaran ito ng pagiging padaskul-daskol o nagmamadali at pagiging mapusok o sige-sige.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ OldTokyo.com: Dambanang Tōshō-gū
- ↑ Ang Proyektong Hapones: Ang Sugunadong Tokugawa
- ↑ 3.0 3.1 Blake, Matthew (2008). "Patience, tiyaga, pasensiya, pasyensiya". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), nasa Patience Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine.. - ↑ 4.0 4.1 Gaboy, Luciano L. Patience, taman, siyasip - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ "Patient, patience". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227., pahina 79.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Sikolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.